Ang mga Karapatan ng mga Kapwa Muslim sa Kabuuan
- ipoetryart
- Jul 15, 2017
- 9 min read
Lahat ng papuri ay para lamang sa Allah, ang Panginoon ng Dakilang Karangalan at kaluwalhatian, Na Siyang nagbigay patnubay sa atin bilang Muslim at pinili tayo upang maging tagasunod ng Huling Propeta, Muhammad, Naway ang kapayapaan at pagpapala ay makamtan ng Kanyang Huling Sugo, na si Muhammad ((), ng kanyang pamilya at mga kasamahan.
Mga magulang at kapatid sa relihiyong islam,
Ang allah ay may itinakdang alituntunin at prinsipiyo na magbibigay pangangalaga sa mga karapatan ng bawat isa, At sa gayon, bawat mamamayan ay makadarama ng diwa ng pagkakaisa, pagmamahal, katahimikan at kapayapaan.
at bawat isa sa atin, bawat isa sa mga nilikha ng allah,mapahayop man,mapahalaman man o mapatao paman lahat sila ay may kanya kanyang karapatan na siyang dapat pangalagaan ng bawat isa at huwag subuking ito ay lapastanganin o pangibabawan,sapagkat ang paglalapastangan sa karapatan ng iba ay kabilang sa pananagutan at may kaparusahang naghihintay sa araw ng paghuhukom, kaya dapat mangalaga ang bawat isa sa kani kanilang mga karapatan,sabi ng sugo ng allah:
ولكلٍّ حقٌّ ، فائْتوا كلَّ ذي حقٍّ حقَّه
At bawat isay may kanya kanyang karapatan,kaya naman ibigay ng bawat isa sa inyo ang kani kanilang mga karapatan,
إنَّ اللَّهَ قد أعطى كلَّ ذي حقٍ حقَّهُ ،
Katiyakan,ibinigay ng allah ang karapatan ng bawat isa,
At mga magulang at kapatid sa relihiyong islam,sapagkat bawat isa ay may kaniya kaniyang karapatan,respituhin natin ang karapatan ng iba ng sa ganoy respituhin din tayo nila, at pangalagaan natin ang karapatan ng bawat isa sapagkat may pananagutan tayo sa mga ito,sabi ng sugo ng allah:
- كُلُّكُم راعٍ ، وكُلُّكُم مَسْؤُولٌ عَن رَعِيَّتِه
Lahat kayo ay tagapangalaga,at kayo ay may pananagutan sa inyog inaalagaan,
mga magulang at Mga kapatid, ang karapatan ng bawat nilikha ay klase klase,
At ang mga karapatang ito ay lubhang marami. kaya naman ang ilan lamang sa mga ito ang siyang ating babanggitin,
At ang karapatang ating babanggitin ay ang karapatan ng isang muslim sa kapwa muslim, at may Hadith na nagsasaad na ang Propeta (SAS) ay nagsabi:
- حقُّ المسلمِ على المسلمِ ستٌّ . قيل : ما هنَّ ؟ يا رسولَ اللهِ ! قال : إذا لقِيتَه فسلِّمْ عليه . وإذا دعاك فأَجِبْه . وإذا استنصحَك فانصحْ له . وإذا عطِس فحمِدَ اللهَ فشَمِّتْهُ وإذا مرِضَ فعُدْهُ . وإذا مات فاتَّبِعْه
"Ang karapatan ng isang Muslim sa kapwa niya Muslim ay anim: kapag nakatagpo mo siya ay batiin mo siya, kapag inanyayahan ka niya ay paunlakan mo siya, kapag humingi siya sa iyo ng payo ay payuhan mo siya, kapag bumahin siya at nagsabi ng alhamdu lillah ay magsabi ka sa kanya ng yarhamukallah, kapag nagkasakit siya ay dalawin mo siya, at kapag namatay siya ay dumalo ka sa kanyang libing." Ang Hadith na ito ay naglalaman ng ilang pahayag sa mga karapatan ng mga Muslim sa isa't isa.
Unang Karapatan ay:
pagbati
- Ang pagbati ay isang sunnah mu'akkadah (gawaing talagang itinatagubilin). Ito ay isa sa mga dahilan ng pagbubuklod at pagmamahalan ng mga Muslim gaya ng nasasaksihan at gaya ng ipinahihiwatig ng sinabi ng Propeta (SAS):
لا تَدخُلونَ الجنَّةَ حتَّى تُؤمِنوا . ولا تؤمِنوا حتَّى تَحابُّوا . أوَلا أدلُّكُم علَى شيءٍ إذا فعلتُموهُ تحابَبتُم ؟ أفشُوا السَّلامَ بينَكُم
"Sumpa man sa Allah, hindi kayo papasok sa paraiso hanggang hindi kayo sumasampalataya at hindi kayo sumasampalataya hanggang hindi kayo nagmamahalan. Ibig ba ninyong ipabatid Ko o ipaalam ko sa inyo ang isang bagay na kapag ginawa ninyo ito ay magmamahalan kayo? Ipalaganap ninyo ang pagbati (ng assalamu 'alaykum) sa isa't isa sa inyo."
Ang Sugo ng Allah (SAS) ay nagpapasimula sa pagbati sa sinumang makasalubong niya at bumabati rin siya sa mga batang paslit kapag nadaanan niya ang mga ito. Ang sunnah (itinatagubilin) ay unang babati ang nakababata , sa nakatatanda, ang kakaunti sa nakararami, at ang nakasakay sa naglalakad. Subalit kung hindi isinagawa ang sunnah ng nararapat gumawa nito ay isagawa ito ng iba upang hindi mawala ang pagbati. Kapag hindi bumati ang nakababata ay bumati ang nakatatanda, at kapag hindi bumati ang kakaunti ay bumati ang nakararami upang magtamo ng gantimpala. Nagsabi si 'Ammar Ibnu Yasir (RA): "May tatlong bagay na kapag tinaglay ninuman ay naging ganap na ang kanyang pananampalataya: ang katarungan mula sa iyong sarili, pangalawa ang pagbati sa sinuman, at pangatlo ang pagkakawang-gawa sa kabila ng kasalatan o kahit na hindi siya mayaman."
Kapagka ang pagpapasimula sa pagbati ay sunnah (itinatagubilin), ang pagtugon dito O ang pagsagot ay fardu kifayah, ibig sabihin, kapag ginampanan o may sumagot na isa o iilan ay sapat na iyon para sa mga natitira. Kaya kapag bumati sa isang pangkat at may sumagot na isa sa kanila, sapat na iyon para sa nalalabi. Nagsabi ang Allah (4:86):
(وَإِذَا حُيِّيتُمْ بِتَحِيَّةٍ فَحَيُّوا بِأَحْسَنَ مِنْهَا أَوْ رُدُّوهَا ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلَى
ٰ كُلِّ شَيْءٍ حَسِيبًا) [Surat An-Nisa : 86]
"At kapag binati kayo ng isang pagbati, bumati kayo ng higit na mainam kaysa roon o gantihan ninyo iyon.…"
Samakatuwid, hindi makasasapat sa pagtugon ng pagbati na assalamu 'alaykum ang magsabi ng hello sapagkat ito ay hindi mas mainam kaysa sa assalamu 'alaykum at hindi rin katulad nito. Kaya kapag sinabihan ng assalamu'alaykum ay magsabi ng 'alaykumus Salam; at kapag may bumati ng isang pagbati maliban sa salam ay bumati rin siya ng katulad nito, at kung madadagdagan pa ng pagbati ay lalong mainam.
Ang ikalawang Karapatan: Kapag inanyayahan ka, ay paunlakan mo siya. Ibig sabihin, kapag inanyayahan ka niya sa kanyang bahay na kumain o maging anuman iyon ay paunlakan mo siya. Ang pagtugon sa paanyaya ay isang sunnah mu'akkadah (lubhang itinatagubilin) sapagkat may dulot itong pagpapalubag sa puso ng nagaanyaya at nagiging dahilan ng pagmamahalan at pagkakalapit ng damdamin. Samantala, hindi naman nasasaklawan niyon ang piging sa kasal sapagkat ang pagtugon sa paanyaya para rito ay isang tungkuling nakabatay sa mga nakatakdang kondisyon(1) sapagkat ang sabi ng Propeta (SAS) hinggil dito: "Ang sinumang hindi tumugon ay sumuway na sa Allah at sa Kanyang Sugo." (1)
Ang sumusunod ang ilan sa mga naturang kondisyon:
ang sinabi ng Propeta (SAS) na kapag inanyayahan ka niya ay paunlakan mo siya ay sumasaklaw pati sa pag-anyaya na alalayan siya at tulungan siya. Kung gayon, ikaw ay inaatasang paunlakan siya. Kapag inanyahan ka niya upang tulungan siya sa pagbuhat ng isang bagay o sa pagtapon niyon o anumang katulad nito, ikaw ay inaatasang alalayan siya sapagkat ang sabi ng Propeta (SAS): "Ang mananampalataya sa kapwa mananampalataya ay katulad ng isang gusali—pinatatatag nila ang isa't isa."
Ang Ikatlong Karapatan: Kapag humingi siya sa iyo ng payo ay payuhan mo siya. Ito ay nangangahulugang kapag nagsadya siya sa iyo upang hingin ang payo mo sa kanya hinggil sa isang bagay ay payuhan mo siya sapagkat ito ay bahagi ng pananampalataya tulad ng sinabi ng Propeta (SAS):
"Ang pananampalataya ay ang pagpapayo alang- alang sa Allah, alang-alang sa Kanyang Aklat, alang alang sa Kanyang Sugo, alang-alang sa mga pinuno ng mga Muslim, at alang alang sa kanilang nasasakupan." Sa kabilang dako, kung hindi siya pumunta sa iyo upang hingin ang iyong payo ngunit kung may ibubunga namang kapinsalaan o kasalanan ang tatangkain niyang gawin, tungkulin mong payuhan pa rin siya kahit hindi siya pumunta sa iyo sapagkat ito ay bahagi ng pag-aalis ng nakapipinsala at nakasasama sa mga Muslim. Kung wala namang ibubungang kapinsalaan ni kasalanan ang kanyang gagawin, ngunit kung sa tingin mo ay lalong kapaki-pakinabang kung papayuhan mo siya ay payuhan mo siya, sapagkat ang sabi ng propeta
الدين النصيحة
Ang relihiyon o agama ay pagpapayuhan
Ang Ikaapat na Karapatan: Kapag bumahin siya o naghatsing at nagsabi ng alhamdu lillah ay magsabi ka sa kanya ng yarhamukallah. Ibig sabihin ay: kaawaan ka ng Allah, bilang pagpapasalamat sa kanya sa pagpupuri niya sa kanyang Panginoon matapos bumahin o humatsing. Subalit kapag bumahin siya at hindi nagsabi ng alhamdu lillah wala siyang karapatan na sabihan ng yarhamukallah (kaawaan ka ni Allah) sapagkat hindi siya nagpuri sa Allah o hindi nagsabi ng alhamdu lillah, kaya ang ganti sa kanya ay hindi siya nararapat na sabihan ng yarhamukallah, at tungkulin din naman ng bumahin na tumugon o sumagot sa nagsabi ng yarhamukallah ng yahdikumullahu wa yuslihu balakum (Patnubayan nawa kayo ng Allah at pabutihin nawa Niya ang inyong kalagayan.). Kapag nagpatuloy ang pagbahin niya at tatlong ulit ka nang nagsabi sa kanya ng yarhamukallah, sa ikaapat na pagkakataon ay magsabi ka sa kanya ng 'afakallah (Pangalagaan ka ng Allah), sa halip na magsabi ng yarh amukallah.
Ang Ikalimang Karapatan Kapag: nagkasakit siya ay dalawin mo siya. Ito ay karapatan niya sa mga kapatid niyang Muslim kaya naman tungkulin nilang gawin iyon. At kapagka ang maysakit ay may iba pang karapatan sa iyo dahil sa siya ay isang kamag-anak o kasamahan o kapit-bahay, ang pagdalaw sa kanya ay lalong binibigyang-diin. Ang pagdalaw ay ayon sa kalagayan ng may sakit at ayon sa kalagayan ng sakit. Maaaring itakda ng kalagayan ang kadalasan ng pagdalaw sa kanya at maaari ring itakda ng kalagayan ang kadalangan ng pagdalaw sa kanya. Samakatuwid, ang nararapat ay ang isaalang-alang ang mga kalagayan. Ang itinatagubilin para sa sinumang dumadalaw sa isang may-sakit na tanungin niya ito tungkol sa kalagayan nito, ipanalangin niya ito, at buksan niya para rito ang pinto ng kaginhawahan at pag-asa sapagkat iyon ay malaking dahilan ng paglusog at paggaling. Nararapat na ipaalaala niya rito ang pagbabalik-loob sa Allah sa paraang hindi nakapangingilabot para rito. Magsasabi, siya rito, halimbawa: "Sa sakit mong ito ay may matatamo kang mabuti sapagkat sa ang karamdaman ay ipinantatakip ng Allah sa mga pagkakasala at pinapawi Niya rin sa pamamagitan nito ang mga nagawang masama at baka ikaw ay magtamo pa, dahil sa pagkakaratay mo, ng maraming gantimpala dahil sa madalas mo na pag-aalaala mo Allah sa kalagayang iyan,at ang paghimok sa may sakit na humingi ng tawad, at manalangin sa allah."
Ang Ikaanim na Karapatan: Kapag namatay siya ay dumalo ka sa kanyang libing. Ang pagdalo sa libing ay kabilang sa mga karapatan ng isang Muslim sa kapwa niya Muslim. Sa pagdalong ito ay may nakalaang malaking gantimpala sapagkat napatotohanan buhat sa Propeta (SAS) na siya ay nagsabi:
"Ang sinumang dumalo sa libing hanggang sa madasalan ang patay ay magkakamit siya ng isang qirat; at ang sinumang dumalo rito hanggang sa mailibing ito ay magkakamit siya ng dalawang qirat." May nagsabi: "Ano po ang dalawang qirat?" Nagsabi siya: "Katulad ng dalawang malaking bundok."
at bilang karagdagan, Ang Ikapitong Karapatan: Kabilang sa mga karapatan ng isang Muslim sa kapwa Muslim ay ang iwasang gawan siya ng kapinsalaan sapagkat ang pamiminsala sa mga Muslim ay isang malaking kasalanan. Nagsabi si Allah (33:58):
(وَالَّذِينَ يُؤْذُونَ الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ بِغَيْرِ مَا اكْتَسَبُوا فَقَدِ احْتَمَلُوا
بُهْتَانًا وَإِثْمًا مُبِينًا) [Surat Al-Ahzab : 58]
"At ang mga namiminsala sa mga lalaking mananampalataya at mga babaeng mananampalataya na walang nagawang masama ay tunay na nagpasan na ng salang paninirang-puri at maliwanag na kasalanan." Kadalasan, ang sinumang nagdulot sa kapwa niya Muslim ng kapinsalaan ay pinaghihigantihan ng Allah sa Mundo pa lamang bago pa sumapit ang Kabilang Buhay. Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS):
"Huwag kayong magsuklaman, huwag kayong magtalikuran, datapuwat maging mga lingkod ng Allah bilang mga magkakapatid. Ang Muslim ay kapatid ng kapwa Muslim. Hindi niya ito ginagawan ng masama, hindi niya ito iniiwan sa sandali ng pangangailangan nito, at hindi niya ito hinahamak. Sapat nang kasamaan para sa isang tao na hamakin niya ang kapwa niya Muslim. Ang lahat ng nasa isang Muslim ay di-maaaring lapastanganin ng kapwa Muslim: ang kanyang buhay, ang kanyang pag-aari, at ang kanyang karangalan."
Mga magulang at mga kapatid ang mga karapatan ng isang Muslim sa kapwa Muslim ay marami Kaya hindi natin ito mababanggit lahat lahat,subalit tandaan nalang natin ang sinabi ng Propeta (SAS):
"Ang isang Muslim ay kapatid ng kapwa Muslim."
Sapagkat ang hadith na ito ay sapat na upang maunawaan ng isang muslim kung anong dapat niyang gawin at kung anong hindi sa pag intindi sa salitang ito ng propeta,
kapag isinagawa niya ang hinihiling ng pagkakapatirang ito ay magsisikap siya na hangarin para sa kapwa Muslim ang lahat ng mabuti at iiwasan ang lahat ng makapipinsala.
أقول قولي هذاـ
2d khutbah
الحمد لله رب العالمين...
Ang lahat ng papuri ay para lamang sa allah,
mga magulang ko at mga kapatid sa relihiyong islam,
Tayo ay mag-iiwan ng isang aral mula sa Hadith ng Sugo ng Allah (():
sabi ng propeta muhammad:
“Ang pinakamamahal na tao ng Allah ay yaong napakikinabangan (ng iba). Ang pinakamamahal na gawain para sa Allah ay ang kasiyahang naibibigay sa isang (kapuspalad, nagdadalamhating) Muslim o di kaya ay pawiin ang hirap ng isang nagdurusa o bayaran ang kanyang pagkakautang o pawiin ang kanyang gutom (sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos na pagkain). Higit na mabuti para sa akin na lumakad na kasama ang aking kapatid na Muslim upang gampanan ang kanyang pangangailangan kaysa mananatiling mag-isa sa loob ng Masjid (Moske) sa buong isang buwan. Sinoman ang pumigil ng kanyang galit (sa mundong ito), ikukubli ng Allah ang kanyang mga masamang gawain. Sinoman ang pumigil ng kanyang galit sa kabila ng kanyang kakayahang manakit ng kapwa sanhi nito, pupunuin ng Allah ang kanyang kasiyahan (kaligayahan) sa Araw ng Paghuhukom. Sinoman ang humayo upang suportahan ang ebidensiya ng kanyang kapatid na Muslim, ang Allah ay pangangalagaan Niya ang mga paa nito sa Araw na ang mga paa ay nahihirapan. Tunay na ang masamang pag-uugali at kilos ay sumisira sa mabuti at banal na gawain katulad ng sukang sinisira ang (tamis ng) pulut-pukyutan.”
Kaya naman mga kapatid,sikapin nating gumawa ng mabuti sa ating kapwa lalo na sa ating mga magkakapatiran.
و لهذا صلوا على نبيكم....
دعاء...
اللهم إنا نسألك في مقامنا هذا و في انتظار فريضة مم فرائضك التي مننت بفرضها علينا
نسألك بأنا نشهد أنك لا إله إلا أنت الأحد الصمد الذي لم يلد و لم يولد و لم يكن له كفواً أحد
يا منان
يا بديع السموات و الأرض
يا ذا الجلال و الإكرام
يا حي
يا قيوم
نسألك أن تحبب إليناالإيمان و تزينه في قلوبنا و أن تكرِّه إلينا الكفر و الفسوق و العصيان
و تباعدها عنا و أن تهيئ للأمة الإسلامية من أمرها رشداً ولاة صالحين يقضون بالحق و به يعدلون لا يخافون لومة لائم
و أن تحفظ علينا ديننا وتثبتنا عليه إلى الممات انك جواد كريم..
و أقم الصلاة
Recent Posts
See AllMga alipin ni Allah, mga magulang at kapatid sa pananampalataya, ang mundong ito na ating ginagalawan ay isang lugar ng pagdurusa,...
Bilang paalaala, kung tayo ay nagsusumikap upang umunlad sa mundong ito, higit nating pagtuunan ng pansin ang paghahanda sa Kabilang...
Purihin ang Allah (swt), ang Panginoon ng mga Daigdig. Nawa’y igawad ng Allah (swt) ang kapayapaan at pagpapala sa Kanyang huling Propeta...
コメント