top of page

ANG BID'AH [Pagdagdag at Pagbabawas sa Relihiyon]

  • ipoetryart
  • Jul 15, 2017
  • 7 min read

Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay tanging sa allah lamang,ang siyang nag utos sa atin na sundin ang quran at ang sunnah at ang iwasan ang mga bagay na mga bid’ah gaya ng pagbabawas,pagdadagdag o pagbabago sa relihiyong islam,

akoy sumasaksi na walang ibang diyos na karapatdapat sambahin liban sa allah, at akoy sumasaksi na si muhammad ay huling sugo at mensahero ng allah,

Mga kapatid at mga magulang sa relihiyong islam,katakutan natin ang allah at alaming ang islam kailan may hindi nagkulang sa kahit anumang larangan,sapagkat ang islam, bago pa man kunin sa atin ng allah ang kanyang huling sugo na si propeta muhammmad ( ) ay kinumpleto nya na ito, at ang allah mismo ang nagpapatunay nito sa banal na quran, sabi ng allah:

( sa araw na itoy kinumpleto ko ang inyong relihiyon (islam) at nilubos ko ang aking paglingap, pagbiyaya sa inyo at kinalulugdan ko ang islam bilang inyong relihiyon)

Kaya mga kapatid,nararapat lamang sa bawat isa napanghawakan nIya ang relihiyong islam kung anuman ito ngayon, panghawakan nya ito ng mahigpit at huwag hayaang itoy sirain ng mga mapagkunwari na sapilitang sinisira ang islam sa pamamagitan ng pagdadagdag at pagbabawas ng itoy tuluyan ng maglaho, sapagkat ang islam at ang mga nilalaman nito ay isang gabay para sa sangkatauhan at kung sinuman ang panghawakan nya ito kailan may hindi sya maliligaw, sabi ng Allah:

( wa anna hadha sirat....)

( AT KATOTOHANAN, ITO ANG MATUWID KUNG LANDAS KAYAT SUNDIN NYO ITO, AT HUWAG NIYONG SUNDIN ANG LANDAS NG IBA,SA PAGKAT ILILIHIS LANG KAYO NG MGA ITO PALAYO SA LANDAS NG ALLAH.)

Kaya naman mga kapatid,ang bawat gawa na hindi kabilang sa relihiyong islam,nawalang basihan na magpapatunay dito mula sa quran at hadith ay matatawag na isang BID’AH na siyang makakapagpalayo sa tao sa tamang landas na iginawad ng allah para sa atin,at siyang magiging dahilan upang tayoy maligaw at siyang dahilan upang tayoy maipasok sa impyerno,sabi ng sugo ng allah:

( katiyakang ang lahat ng BID'AH ay kaligawan, at lahat ng kaligawan ay sa impyerno)

Mga kapatid,alamin ninyo na ang lahat ng mga gawain sa islam na walang basihang sumusuporta mula sa qur an at hadith kailanman ay hindi katanggap tanggap sa relihiyong islam,sabi ngsugo ng allah:

(man amila amalan laysa alayhi amruna fahuwa rad)

kung sinuman ang magsagawa ng isang gawain na hindi namin itinuro o iniutos ay hindi katanggap tanggap.)

At sa ibang tala ay sinabi ng sugo ng allah:

(Man ahdatha fiy amrina hadha ma laysa minhu fahuwa rad)

“Kung sinuman ang mag imbento ng anumang bagay o gawa sa relihiyong islam na hindi naman ito kabilang sa katuruan ng islam itoy hindi tatanggapin.”

Mga alipin ng allah, alamin ninyo na ang bid'ah o ang pagbabawas o pagdadagdag sa islam ng mga bagong katuruan o batas ay makakasira sa tunay na relihiyong ibinaba ng allah sa sangkatauhan, alamin ninyo na ang bid’ah ay binubura nito ang tunay na kahulugan ng relihiyong islam, at pinapalitan nito ang lugar na para sana sa sunnah ni propeta muhammad (), isinalaysay ni imam ahmad na ang sugo ng allah ay nagsabi:

“mabtada’a qawmun bid ‘atan illa naza’allahu minassunnah mithlaha”

“ sa tuwing ang tao ay gagawa ng bago sa relihiyong islam o bid’ah,ay inaalis ng allah sa kanila ang sunnah kapalit sa bid ‘ang kanilang ginawa”

Mga kapatid, maraming masasamang naidudulot ang pagsasagawa ng mga bid’ah sa ating relihiyon, at isa na roon ay ang binanggit natin kanina na pinapalitan nito ang sunnah, sa tuwing tayoy magsasagawa ng bid’ah, ang halaga ng sunnah ay nawawala at natatabunan na ng mga bid ‘ah, hanggat sa ang tunay na kahulugan at mensahe ng islam ay tuluyan ng maglahu,at yan ang dahilan kung bakit kapansin pansin sa panahon natin ngayon na mas pinagsisikapan ng karamihan ang pagsasabuhay sa mga bagay na hindi itinuro o hindi inoblega ng sugo ng allah kaysa sa mga bagay na ipinag utos ng propeta muhammad (),at iyon ay sa kadahilanang ipinapaganda sa kanila ng shaytan ang mga bagay na ginagawa nila o yung mga bid'ah na kanilang ginagawa.

At ang isa pang problema kung bakit hindi ipinapahintulot sa islam ang pagsasagawa ng bid’ah, sapagkat yaong mga taong nagsasagawa o gumagawa ng bid’ah ay parang iniisip nila o parang sinabi na rin nilang ang islam ay kulang, hindi pa kumpleto,sa pagkat kung iniisip nilang ang islam ay kumpleto na ay katiyakang hindi na nila ito dadagdagan o gagawa ng anumang mga gawa o batas na hindi kabilang dito. Sa pagkat itoy kumpleto na nga,subalit kung na sa isip nilang itoy kulang,malamang iisipin nilang punan ang mga bagay na sa tingin nilay kulang, ngunit itoy napakalaking kasalanan mga kapatid,sapagkat ang ganitong pananaw na ang islam ay hindi kumpleto kaya silay nagdadagdag ay pagsasalungat sa sinabi ng ALLAH sa banal na quran:

(alyama atmamtu,,,)

( sa araw na itoy kinumpleto ko ang inyong relihiyon (islam) at nilubos ko ang aking paglingap, pagbiyaya sa inyo at kinalulugdan ko ang islam bilang inyong relihiyon)

At ang pagdagdag nila o pagsasagawa nila ng bid ah ay isang pamamaraan ng pagpapasinungaling nila sa sugo ng allah, pagkat parang sinabi na nila na ang mga bid’ah na ginagawa nila ay mula rin sa sugo ng allah sapagkat walang ibang pinanggalingan ang mga sunnah kundi sa sugo ng allah,ngunit ang hindi nila alam na ang sugo ng allah ay mahigpit na nagbanta tungkol sa mga taong magpapasinungaling sa kanya,nagbanta ang sugo ng allah sa mga taong magsasabi o magsasagawa ng mga bagay na hindi naman ginawa ng propeta muhammad (),o magsasabing itoy sunnah kahit hindi naman ito sunnah,sabi ng sugo ng Allah bilang pagbabanta sa mga taong yaon:

“Kung sinuman siyang magpasinungaling sa akin, ay naglukluk na nga siya ng kanyang upuan doon sa impyerno”

At yaong mga gumagawa ng bid’ah ay ngangahulugan lamang na ikinahihiya nila ang mga sunnah ni propeta muhammad () kaya gumagawa sila ng panibago na hindi nila ikakahiya, at maaaring maging ang kanilang oras,lakas at yaman ay iubos nila at sayangin nila para lamang sa pagsasabuhay ng mga bid ah na kanilang inimbento, at malala pa dun,ang pagsasagawa ng mga bid’ah mga kapatid ay palapit na sa pagsasabuhay ng mga gawaing ginagawa sa panahon ng jahiliyyah o sa panahon ng kamang mangan,at sa pakiramdam ng bawat isa sa mga gumagawa at nagsasagawa ng bid’ah ay mas mainam ang nasa kanila kaysa sa iba o kaysa sa mga sunnah ng sugo ng allah, kagaya ng inilarawan ng allah sa banal na quran:

23:53 ( kullu hizbin bima ladayhim farihuwn)

“ang bawat isa sa kanila ay nasisiyahan sa kani kanilang pinanghahawakan o pinaniniwalaan”

Kaya nga sinabi talaga sa atin ng allah mga kapatid:

6:153 ( wa la tattabi’ussubol fatafarraqa bikum ‘an sabiylihi)

“kayat huwag ninyong sundin ang landas ng iba liban sa landas ng allah, sapagkat ililihis lamang nila kayo sa landas ng allah”

Ang sunnah mga kapatid ay pinag iisa nito ang mga mananampalataya,at pinagbubuklod ang kani kanilang mga puso at pinayayabong ang kani kanilang pagmamahalan bilang magkakapatid sa pananampalataya, kayat sumunod tayo mga kapatid sa iisang landas at sa iisang relihiyon na siyang ibinaba ng allah sa sangkatauhan,

sabi ng allah:

3:103 ( wa’tasimu bihablillahi jami’an wala tafarraquw )

“ at mahigpit ninyong panghawakan, lahat kayo ng sama sama,panghawakan ninyo ng mahigpit ang lubid ng allah (alalaong baga ang banal na quran at ang niloloob nito) at huwag kayong magkakawatakwatak”

At isa pang malalang idinudulot ng bid ah mga kapatid ay diretsahan nitong tinutumbok ang paggiit sa katotohanan o pag deny sa katotohanan lalo na kung kikilatisin o tatanungin ang mga taong nagsasagawa ng bid’ah,bakit?sapagkat igigiit niyang mali ang kanyang ginagawa at ipaglalaban niya pa ito, at isa pa, ang BID’AH ay sinisira nito ang tunay na relihyon na siya namang hinahangad ng mga shaytan na mula sa jinn at mga shaytan na mula sa mga tao, lalong lalo na yaong mga hindi mananampalataya at yaong mga hypocrites o mga mapagkunwari, alamin natin mga kapatid na ang mga kalaban ng islam ay pilit na nagsisikap na sirain ang islam sa kahit na anumang kaparaanan, at ang pinaka mainam na sandatang natagpuan nila ngayon ay ang pagpapalaganap ng mga bid’ah at ang pagpapalaganap ng mga pamahiin o mga superstitious beliefs. Ginagawa nila ito upang matabunan at sirain ang magandang imahe ng islam at upang tuluyang burahin ang tunay na katuruan ng relihiyong islam. Upang ang islam ay maging masama sa isip ng mga tao at lumayo ang loob nila at tuluyan na itong lisanin at ikahiya. At sa ganitong pamamaraan nilang inilalabas ang kanilang masasamang pagnanasa at mga masasamang plano upang sirain ang islam na kahit itoy magsakripisyo ng napakalaking halaga ng kayamanan ay gagawin nila mabura lamang ang tunay na mensahe ng islam, at malala pa jan,ang mga taong walang masyadong kaalaman sa islam ay tuluyan ng nahuhulog sa patibong nilang ito at buong sariling tinatanggap ang mga bid’ah na sa kanila ay inialok at isinabuhay, kaya mga kapatid, magpakopkop tayo sa allah at bigyan ang ating sarili ng oras na makapaghanap ng kaalaman, yung tamang kaalaman na siyang magiging panangga natin sa mga nagpapalaganap ng mga bid’ah na mula sa shaytan na jin at mga tao.

--------

Mga kapatid sa relihiyong islam, sadya nga namang nakakamangha na may kasamang pagtataka, kung papaanong nangyaring ang mga gumagawa ng bid’ah ay napakasipag at napakasikap sa pagsasabuhay at pagsasagawa ng kanilang mga bid’ah, gaya na lamang ng kanilang pagsasabuhay ng pagdiriwang ng isra and mi’raj, pagdiriwang ng kaarwan ng sugo ng allah, ngunit pagdating naman sa napakalaking inoblega ay hindi nila ito pinagsisikapan gaya ng limang beses na pagdarasal sa isang araw sa tama nitong oras, at pag iwan ng mg bagay na makakasama gaya ng paninigarilyo, at dahil nga sa ang mga gawaing kanilang ginagawa o ang bida na kanilang ginagawa ay pinapaganda sa kanila ng shaytan, at ang mga tunay na katuruan ay pinapapangit sa kanila ng shaytan ay tiyak na hindi na nakakapagtaka kung bakit ang mga taong nagbibi’ah ay wala silang pagpapahalaga sa islam,sa pagkat ang relihiyon na kinilala nila ay ang relihiyong sila mismo ang gumawa o yung mga bid’ah nila,

O mga alipin ng allah,mahigpit na ipinagbawal sa atin ang pagsasagawa ng bid’ah at mismo ang sugo ng allah ay sadyang nagbanta sa atin laban sa bid’ah at lage niyang sinasabi:

(( amma ba’d fainna khayral hadiythi kitabullah wa khayral Hadyi Hadyu muhammadin () wa sharrul umuwri muhdathAtuhA , wa kulla bid’atin dhalalah.))

Sabi ng sugo ng allah:

“ang pinakamainam na salita ay ang aklat ng allah o ang quran, at ang pinakamainam na gabay ay ang gabay na ibinaba kay muhammad (), at ang pinakamalala at kinamumuhiang bagay ay ang pagdadagdag,pagbabawas at pagbabago sa relihiyon o Bid’ah, at lahat ng BID’AH ay kaligawan.”


Recent Posts

See All
Tayo ay Susubukan

Mga alipin ni Allah, mga magulang at kapatid sa pananampalataya, ang mundong ito na ating ginagalawan ay isang lugar ng pagdurusa,...

 
 
 
Paghahanda sa Kabilang Buhay

Bilang paalaala, kung tayo ay nagsusumikap upang umunlad sa mundong ito, higit nating pagtuunan ng pansin ang paghahanda sa Kabilang...

 
 
 
Ang Pagiging Matapat sa Sunnah

Purihin ang Allah (swt), ang Panginoon ng mga Daigdig. Nawa’y igawad ng Allah (swt) ang kapayapaan at pagpapala sa Kanyang huling Propeta...

 
 
 

Comments


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page