top of page

May mga taong nagsasagawa ng salah na fard [obligado] ngunit walang ano mang nakatakip sa kanilang m

  • Shiekh Abdul ‘aziz Bin Bazz
  • Jan 28, 2017
  • 1 min read

May mga taong nagsasagawa ng salah na fard [obligado] ngunit walang ano mang nakatakip sa kanilang mga balikat at iyon ay lalong-lalo na sa panahon ng hajj o umrah habang nasa sandal ng ihram; ano po ang hatol doon?

Sagot: Kung hindi niya magawang takpan, wala siyang kasalanan ayon sa sabi ni Allah: “Katakutan ninyo si Allah sa abot ng inyong makakaya” [Quran 64:16] at ayon din sa sabi ng propeta [SAS] kay Jabir bin Abdullah [RA]: “Kung malapad ang tela, balutin mo (ang buong katawan); at kung hindi malapad, ipantapis mo na lamang.” Kung magagawa namang takpan ang dalawang balikat o kahit ang isang balikat, kailangang takpan ang dalawa o isang balikat ayon sa pinakatumpak na pahayag ng mga pantas ng Islam. Kung hinayaang walang takip ang balikat, hindi tanggap ang salah ayon sa sabi ng Propeta (SAS): “Walang sinuman sa inyo ang magsasagawa ng salah nang nakatapis nga ngunit wala naming anumang nakapatong sa balikat.” Si Allah ang tagapagpatnubay.


Recent Posts

See All
Ang salah

Ang Katayuan ng Salaah (pagdarasal) at Kahigtan nito: Ang Mga Kahalagahan ng Salaah (Pagdarasal):

 
 
 

تعليقات


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page