top of page

Ang Salaah sa Jumu`ah (Biyernes)

  • ipoetryart
  • Jan 28, 2017
  • 6 min read

Ang Salaah sa Jumu`ah (Biyernes)

Ipinag-utos ng Allah sa araw ng Biyernes sa oras ng Salaah sa Dhuhr ang isang Salaah na isa sa pinakadakilang sagisag ng Islam, at pinakamabigat sa mga pag-uutos nito, dito ay nagtitipun-tipon ang mga Muslim nang minsanan sa isang linggo, at nakakarinig sila rito ng mga aral at mga paalaala na inilalahad sa kanila ng Imam sa Jumu`ah, pagkatapos ay magsasagawa sila ng Salaah sa Jumu`ah.

#Ang kabutihan ng araw ng Jumu`ah (Biyernes): Ang araw ng Jumu`ah ang pinakadakila sa mga araw ng linggo at ito ay nagtataglay ng pinakamatayog na karangalan, at sa katotohanan, ito ay pinili ng Allah nang higit sa iba pang mga araw bukod dito, at binigyan pa Niya ng kabutihan [o katangian] sa iba pang mga oras bukod dito ng ilang mga kabutihan [o katangian], ang ilan dito:

• Katotohanang nagbigay ng pagtangi ang Allah sa pamayanan ni Muhammad na hindi matatagpuan sa ibang mga pamayanan. Batay sa sinabi ng Sugo ng Allah r: «Hinayaan ng Allah na maligaw ang Jumu`ah ng mga nauna sa atin, kaya ang araw ng Sabado ang naging para sa mga Hudyo, at ang araw naman ng Linggo ang naging para sa mga Kristiyano, at pagkatapos ay dinala sa atin, kaya tayo ay Kanyang pinatnubayan sa araw ng Jumu`ah». (Muslim: 856) • Katotohanang sa Araw na ito nilikha si Adam (Adan), at sa araw ding ito magsisimula ang Oras (ng Paghuhukom). Batay sa sinabi niya r : «Ang pinakamainam na araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes, sa araw na ito nilikha si Adam, at sa araw ding ito siya pinapasok sa Paraiso, at sa araw ding ito siya pinagtabuyan mula rito, at hindi magsisimula ang Oras maliban sa araw ng Biyernes”. (Muslim: 854)

#Sino ang Dapat Magsagawa ng Jumu`ah? Ipinag-uutos [bilang tungkulin] ang Salaah sa Jumu`ah para sa sinumang may kakayahang sumunod:

1. Sa lalaki: Samakatuwid, hindi ipinag-uutos [bilang tungkulin] para sa babae. 2. May pananagutan: Samakatuwid, hindi ipinag-uutos [bilang tungkulin] para sa isang baliw, gayundin sa isang paslit na wala pa sa tamang gulang. . 3. Ang nakatira (tumatahan): Samakatuwid, hindi ipinag-uutos [bilang tungkulin] para sa isang naglalakbay, gayundin sa sinumang naninirahan sa mga malalayong labas ng mga lungsod at baryo. Ang Pamamaraan at Mga Alituntunin sa Salaah sa Jumu`ah: 1. Nakabubuti para sa isang Muslim ang paliligo bago ang Salaah sa Jumu`ah, at ang pagiging maaga sa pagtungo sa Masjid bago magsimula ang Khutbah (sermon), gayundin, itinatagubilin ang pagsusuot ng pinakamagandang damit. 2. Nagtitipon ang mga Muslim sa isang Jaami` (pangkalahatang Masjid) at sila ay pinamumunuan ng isang Imam, siya ay aakyat sa Mimbar [lugar ng pagkukhutbah] at haharap sa mga nagsasagawa ng Salaah, at siya magbibigay sa kanila ng dalawang bahagi ng Khutbah (sermon), ito ay papagitnaan ng dalawang panandaliang pag-upo, magpapaalaala sa kanila tungkol sa Taqwah (pagiging may takot) sa Allah, at magbibigay sa kanila ng mga gabay, mga aral at mga ayaat (talata ng Qur’an bilang paalala). 3. Ipinag-uutos para sa mga nagsasagawa ng Salaah ang makinig sa Khutbah, at ipinagbabawal sa kanila ang pagsasalita o ang paggambala sa di pagpapakinabang dito, maging kahit ito’y sa pamamagitan ng paglalaro ng karpet o bato, at lupa. 4. Pagkatapos ay bababa ang Imam mula sa Mimbar, at uumpisahan ang pagsasagawa sa Salaah, at pangungunahan niya ang mga tao sa Salaah na binubuo ng dalawang Rak`ah, palalakasin niya rito ang pagbigkas. 5. Ang Salaah sa Jumu`ah ay ipinag-uutos lamang sa pamamagitan ng pagtitipon ng ilang bilang ng mga tao, kaya sinuman ang lumagpas sa kanya ito o di dumalo rito, magkagayon siya ay magsasagawa ng Salaah sa Dhuhr bilang kapalit nito, at hindi tatanggapin sa kanya ang Jumu`ah. 6. Sinuman ang nahuli sa Salaah sa Jumu`ah, at walang inabutan sa Imam kundi mas mababa kaysa [o kulang] sa isang Rak`ah, magkagayon nararapat niyang buuin ang Salaah bilang Salatul-Dhuhr. 7. Lahat ng binigyang-laya upang lumiban [at huwag dumalo] ng Jumu`ah [dahil sa mahalagang dahilan], tulad ng babae at ng mga naglalakbay ay hindi dapat magsagawa ng Salatul-Dhuhr kung sila ay nakadalo sa Jumu’ah sa Masjid.

#Sino ang pinapahintulutan na di dumalo sa Jumu`ah?:

Binigyang-diin ng Batas ng Islam ang pagdalo sa Salaah sa Jumu`ah bilang tungkulin para sa sinumang sa kanila, at nagbigay-babala sa pagpapakaabala dahil sa karangyaan ng mundong ito. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {O kayong mga naniwala, kapag [ang Adhan ay] tinawag na para sa pagdarasal sa araw ng Jumu’ah [Biyernes], inyong simulan ang pag-alaala sa Allah at [pansamantalang] lisanin ang pamilihan [o palitan ng kalakalan]. Iyan ay higit na mabuti para sa inyo, kung ito ay inyo lamang nababatid!}. Al-Jumu`ah (62): 9 At binigyang babala ang sinumang lumiliban at hindi dumadalo rito na wala namang lehitimong dahilan na ang kanyang puso ay tatakpan [o lalagyan ng takip]. Sapagka’t sinabi niya r : “Sinuman ang tumalikod [o lumiban] nang tatlong Jumu`ah nang walang sapat na dahilan ay papasakan [ tatakpan] ng Allah ang kanyang puso”. (Abu Daud: 1052 – Ahmad: 15498). Ang kahulugan ng papasakan ng Allah ang kanyang puso: Ibig sabihin ay tatatakan ito at tatakpan sa kanya, at itatalaga rito ang pagkamangmang at kasiraan, katulad ng puso ng mga mapagkunwari at mga suwail. At ang kadahilanan na ipinahihintulot sa hindi pagdalo sa Jumu`ah: Lahat ng maaaring magdulot sa iyo rito ng matinding pagpapahirap na hindi pangkaraniwan, o kinatatakutan dito ang malubhang pinsala sa kanyang kabuhayan at kalusugan.

#Ang tuloy-tuloy ba na gawain o tungkulin ay isang dahilan ng pagliban at hindi pagdalo sa Jumu`ah?

Sa pangkalahatang pananaw ng Islam, ang mga gawain at hanap-buhay na nangangailangan ng tuloy-tuloy na paggawa maging sa oras ng Jumu’ah ay hindi isang dahilan para sa isang Muslim upang siya ay lumiban sa Salaah ng Jumu`ah. Sapagka’t ipinag-uutos sa atin ng Allah na talikdan natin ang ating mga gawain at ituon natin ang sandaling oras nito sa Salaah. Siya ay nagsasabi: {O kayong mga naniwala, kapag [ang Adhan ay] tinawag na para sa pagdarasal sa araw ng Jumu’ah [Biyernes], inyong simulan ang pag-alaala sa Allah at [pansamantalang] lisanin ang pamilihan [o palitan ng kalakalan]. Iyan ay higit na mabuti para sa inyo, kung ito ay inyo lamang nababatid!}. Surah Al-Jumu`ah (62): 9 At dapat piliin ng isang Muslim ang mga gawain o mga hanap-buhay upang siya ay magkaroon ng kakayahang tuparin ang mga kautusan [sagisag] ng Allah at kahit pa ang materyal na bagay na nakukuha niya mula rito [tulad ng sahod] ay mas mababa kaysa sa iba bukod dito. Sapagka’t ang Allah ay nagsasabi: {At sinuman ang may takot sa Allah – Kanyang gagawin para sa kanya ang daang papalabas [mula sa hirap]. At Kanyang ipagkakaloob para sa kanya [ang biyaya] na kung saan ay hindi niya inaasahan [na darating]. At sinuman ang magbigay ng kanyang tiwala sa Allah, samakatwid, Siya [ang Allah] ay sapat na para sa kanya. Surah At-Talaq [65]:2-3 Kailan ipinahihintulot sa isang gawain o hanap-buhay ang pagliban sa Salatul-Jumu`ah?: Ang mga gawain o hanap-buhay na nangangailangan ng patuloy na paggawa maging sa oras ng Jumu’ah ay maaari lamang isaalang-alang ang pagliban dito maliban sa dalawang kalagayan: 1. Na ang gawain ay nasa malaking kapakanan, hindi ito maipatutupad maliban sa kanyang pamamalagi o pananatili sa gawain at hindi pagdalo sa Jumu`ah, at ang kanyang pagtalikod sa kanyang gawain ay magdudulot ng malaking kapinsalaan o kasiraan, at wala ring matatagpuang isang papalit sa kanya sa gawain na iyon. Halimbawa: : • Ang isang doktor sa ambulansya na nanggagamot ng iba’t ibang mga kalagayan at pinsala na pangmadalian. • Ang isang tagapagbantay o pulis na nangangalaga sa mga ari-arian ng mga tao at sa kanilang mga bahay laban sa pagnanakaw at mga gawaing krimen. • Sinumang mayroong katungkulang hinahawakang mga tauhan sa mga mamalaking kompanya na nangangailangan ng palagiang pagsubaybay o pagbabantay sa bawa’t sandali. 2. Kapag ang isang hanap-buhay o gawain ay siyang tanging inaasahan at pinagkukuhanan ng kanyang ikinabubuhay upang pasanin ang mga gastusin tulad ng pagkain, inumin at iba pang pangunahing pangangailangan ng kanyang pamilya, at wala siyang anumang maaaring makapupuno sa kanyang mahalagang panustos ng bukod pa rito, sa gayon maaari siyang manatili sa gawain, at huwag dumalo para sa Salaah sa Jumu`ah hanggang sa makatagpo siya ng ibang gawain, o makatagpo ng anumang makapupuno sa kanyang pangangailangan mula sa pagkain at inumin at mga mahahalagang bagay na sasapat sa kanya at sa sinumang kanyang ginagastusan, magkagayon pa man, ipinag-uutos pa rin sa kanya [bilang tungkulin] ang walang tigil na paghahanap ng isang gawain o pinagkukuhanan ng ibang kabuhayan.


Recent Posts

See All
Ang salah

Ang Katayuan ng Salaah (pagdarasal) at Kahigtan nito: Ang Mga Kahalagahan ng Salaah (Pagdarasal):

 
 
 

Comments


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page