top of page

Mga Salita, Parirala’t Pangungusap na Madalas Ginagamit sa Klase at ang Salin Nito sa Wikang Arabe

  • Abu Shaykhani
  • Jan 20, 2017
  • 5 min read

1. Assalamu ‘alaykum السلام عليكم : Sumaiyo ang kapayapaan. Panimulang pagbati ng mga Muslim.

2. Wa ‘alaykumus salam وعليكم السلام : At sumaiyo rin ang kapayapaan.

Hindi wa alaykumis salam, kundi wa alaykumus salam sa pagsagot sa bumati sa iyo ng salam.

3. Ahlan wa sahlan أهلا وسهلا, Marhaban مرحباً : Maligayang pagdating./Welcome.

4. Kayfal hal? كيف الحال؟ : Kumusta?

Maaari ring kayfa haluka?/كيف حالكَ؟ kung lalake, kayfa haluki?/كيف حالكِ؟ kung babae, at kayfa halukum?/كيف حالكم؟ kung maramihan. Ang kayfal hal? ay pangkalahatan, maaaring panlalake o pambabae o pangmaramihan.

5. Alhamdulillah, bikhayrin الحمد لله, بخير : Ang lahat ng pagpupuri ay kay Allah lamang. Mabuti naman.

Maaari ring ipalit sa bikhayrin ang jayyid/جيد, tayyib/طيب, tamam/تمام.

6. Samhan سمحاً : Paumanhin./Excuse me. Maaari ring ismahli/اسمح لي kung lalake ang kausap, at ismahi li/اسمحي لي kung babae. Ang samhan ay pangkalahatang gamit.

7. Shukran شكراً : Salamat. Shukran jazilan شكراً جزيلاً : Maraming salamat.

8. ‘Afwan عفواً : Walang anuman./Pasensiya na./Sorry./Patawad. Ang ‘afwan ay maaaring gamitin sa dalawang paraan. Una, ay bilang sagot sa isang taong nagpapasalamat sa iyo, kung saan ang kahulugan nito ay walang anuman. At ikalawa, ay sa paghingi ng tawad sa kapwa sa nagawang kasalanan.

9. Asif آسف : Patawad./Sorry.

10. Fadlan فضلاً : Kung maaari po./Please. Maaari rin namang min fadlik/من فضلك, o law samahta/لو سمحتَ kung lalake ang kausap, at law samahti/لو سمحتِ kung babae. Ang fadlan ay para sa pangkalahatang gamit, mapalalake, babae, o maramihan.

11. Ma’as salamah مع السلامة : Paalam./Goodbye. Ang literal na wikang Arabe ng paalam ay wada’an/وداعًا subalit mas madalas na ginagamit ang ma’as salamah dahil sa mas maganda ang kahulugan nito na nagbabati ng kapayapaan sa iyong pinagsasabihan.

12. Ilal liqa’ إلى اللقاء : Sa muling pagkikita.

13. Jazakallahu khayran جزاك الله خيرَا : Gantimpalaan ka ni Allah ng kabutihan. Jazakillahu khayran kung babae, jazakumullahu khayran kung marami.

14. Wa iyyak وإياك : At ikaw rin. Isinasagot sa sinumang direktang nagdua para sa iyo katulad ng jazakallahu khayran. Maaari ring wa iyyaka/وإياكَ kung lalake, wa iyyaki/وإياكِ kung babae, at wa iyyakum/وإياكم kung maramihan.

15. Ahsanta أحسنتَ : Bravo! Magaling! Binabanggit kapag may magaling na ginawa ang isang kapwa at karaniwang sinasamahan ng katagang masha Allah/ما شاء الله. Kung babae ang pagsasabihan nito ay ahsanti/أحسنتِ at ahsantum/أحسنتم naman kung maramihan.

16. Sabahul khayr صباح الخير : Good morning. Sabahun nur/صباح النور ang isasagot sa sabahul khayr.

17. Masa-ul khayr مساء الخير : Good afternoon./Good evening. Masa-un nur/مساء النور ang sagot.

18. Na’am نعم : Oo.

19. La لا : Hindi.

20. Masmuka? ما اسمكَ : Ano ang pangalan mo?

Masmuki/ماسمكِ kung babae ang tinatanong. Isa sa karaniwang pagkakamali sa pagbasa rito ay ma ismuka/ma ismuki at ito ay maling pagbasa. Ang tama ay ‘masmuka/masmuki’.

21. Sahih صحيح : Tama.

22. Khata’ خطأ : Mali.

23. Hadir حاضر : Present. Hadirah kung babae.

24. Gha-ib غائب : Absent. Gha-ibah kung babae.

25. Mawjud موجود : Meron.

26. La yujad لا يوجد : Wala.

27. Hal min khidmah? هل من خدمة؟ : Anong maipaglilingkod ko sa inyo?

28. Man ma’i? من معي؟ : Sinong kasama ko? / Sinong kausap ko? Kapag nakikipag-usap sa telepono at gustong kilalanin ang nasa kabilang linya.

29. Hal fahimta? هل فهمتَ؟ : Naintindihan mo ba? Kapag babae ay hal fahimti?/هل فهمتِ؟.

30. Na’am fahimto نعم, فهمت : Oo, naunawaan ko.

31. Ma fahimto ما فهمتُ : Hindi ko naintindihan.

32. Hal ta’rif? هل تعرف؟ : Alam mo ba? Hal ta’rifin/هل تعرفين؟ kapag babae ang tinanatanong.

33. Na’am a’rif نعم, أعرف : Oo, alam ko.

34. La a’rif لا أعرف : Hindi ko alam.

35. Ma su-aluk? ما سؤالك؟ : Anong tanong mo?

36. Ma dha? ماذا : Ano?

37. Iqra’ اقرأ : Magbasa ka (pautos). Kapag babae ay iqra-i/اقرئي.

38. Ijtahid اجتهد : Magsumikap ka (pautos). Sa babae ay ijtahidi/اجتهدي.

39. Hal sami’ta? هل سمعتَ؟ : Narinig mo ba? Sa babae naman ay hal sami’ti?/هل سمعت؟

40. Na’am sami’tu نعم, سمعتُ : Oo, narinig ko.

41. Ma sami’tu ما سمعتُ : Hindi ko narinig.

42. Tab’an طبعاً : Siyempre.

43. La ba’s لا بأس : Okey lang.

44. Huna هنا : Dito.

45. Hunaka هناك : Doon.

46. Lahzhah لحظة : Sandali.

47. Ba’dayn بعدين : Mamaya.

48. Al-an الآن : Ngayon./ Ngayon na.

49. Hal ‘indaka mushkilah? هل عندكَ مشكلة؟ : May problema ka ba? Hal ‘indaki mushkilah? kung babae.

50. Ma mushkilatuka? ما مشكلتكَ؟ : Anong problema mo? Ma mushkilatuki? kapag babae.

Ma ‘indi mushkilah ما عندي مشكلة : Wala akong problema.

51. Limadha taakh-kharata? لماذا تأخرت؟ : Bakit ka na-late? Limadha taakh-kharti kung babae.

52. Ayna darasta? أين درستَ؟ : Saan ka nakapag-aral? Ayna darasti? Kapag babae.

53. Hal raja’ta? هل راجعتَ؟ : Nakapag-review ka ba? Hal raja’ti kapag babae.

54. Udkhul ادخل : Pumasok ka. Udkhuli kapag babae. Udkhulu kapag marami.

55. Ukhruj اخرج : Lumabas ka. Ukhruji kapag babae. Ukhruju kapag marami.

56. Hal turid? هل تريد؟ : Gusto mo ba? Hal turidin? هل تريدين؟ Kapag babae.

57. La urid لا أريد : Hindi ko gusto./Ayoko.

58. Ila ayna tadh-hab? إلى أين تذهب؟ : Saan ka pupunta? Ila ayna tadh-habin kapag babae.

59. Uktub اكتب : Magsulat ka. Uktubi kung babae. Uktubu kung marami.

60. Hal najahta? هل نجحت؟ : Pumasa ka ba? Hal najahti kung babae.

61. Na’am najahtu نعم نجحتُ : Oo, pumasa ako.

62. Ma najahtu ما نجحتُ : Hindi ako pumasa.

63. Hal ‘indaka su-al? هل عندك سؤال؟ : May tanong ka ba?

Hal fihi su-al? هل فيه سؤال؟ : May tanong ba?

64. Ma ‘indi su-al ما عندي سؤال : Wala akong tanong.

65. Rubbama ربّما : Siguro.

66. Akid أكيد : Sigurado.

67. Lakin لكن : Subalit.

68. Li-anna لأنّ : Sapagkat.

69. Yumkin يمكن : Pwede.

70. La yumkin لا يمكن : Hindi pwede.

71. Mumkin ممكن : Posible.

72. Ma dha turid? ماذا تريد؟ : Anong kailangan mo? Anong gusto mo? Kapag babae ang tatanungin ay madh turidin?/ماذا تريدين؟.

73. Ma ma’na? ما معنى هذا؟ : Anong ibig-sabihin niyan/nito?

74. Ijlis اجلس : Maupo ka. Kapag babae ay ijlisi. Kapag marami ay ijlisu.

75. Nasito نسيتُ : Nakalimutan ko.

76. Hal ‘indana wajibat? هل عندنا واجبات؟ : Mayroon ba tayong takdang-aralin?

77. Hal ‘indana ikhtibar? هل عندنا اختبار؟ : Mayroon ba tayong pagsusulit?

66. Hal ‘indana tadribat? هل عندنا تدريبات؟ : Mayroon ba tayong pagsasanay?

78. Hal ‘indana tamrin? هل عندنا تمرين؟ : Mayroon ba tayong quiz?

79. Na’am, ‘indana نعم, عندنا : Oo, mayroon.

80. Aynal ustadh? أين الأستاذ؟ : Nasaan ang guro (lalake)?

Aynal ustadhah? أين الأستاذة : Nasaan ang guro (babae)?

81. Matal fus-hah? متى الفسحة؟ : Kailan ang recess?

82. Manil mudarris? من المدرس؟ : Sino ang guro?

83. Liman hadha? لمن هذا؟ : Kanino ito? Kanino ‘yan?

84. La tad-hak kathiran لا تضحك كثيرا : Huwag tawa nang tawa palagi. La tad-haki kathiran kung babae. La tad-haku kathiran kung marami.

85. La tal’ab kathiran لا تلعب كثيرا : Huwag laro nang laro. La tal’abi kathiran kung babae. La tal’abu kathiran kung marami.

86. La tushaw-wish لا تشوّش : Huwag makulit. La tushaw-wishi kung babae. La tushaw-wishu kung marami.

87. La tamzah لا تمزح : Huwag kang magbiro. La tamzahi kung babae. La tamzahu لا تمزحوا kung marami.

88. Ma amzahu ma’ak ما أمزح معك : Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo.

La amzah لا أمزح : Hindi ako nagbibiro.

89. La tansa لا تنس : Huwag mong kalimutan. La tansay kung babae. La tansaw kung marami.

90. La takhruj لا تخرج : Huwag kang lalabas. La takhruji kung babae. La takhruju kung marami.

91. La tatakabbar لا تتكبّر : Huwag kang nagmamayabang. La tatakabbari kung babae. La tatakabbaru kung marami.

92. La tashtum لا تشتم : Huwag kang nagmura. La tashtumi kung babae. La tashtumu kung marami.

93. La tufsid لا تفسد هذا : Huwag mong sirain yan. La tufsidi hadha kung babae. La tufsidu hadha kung marami.

94. Khudh waraqatan خذ ورقة : Kumuha ka ng papel. Khudhi waraqatan kung babae. Khudhu waraqatan خذوا ورقة kung maramihan.

95. Uknus hadha اكنس هذا : Walisin mo yan. Uknusi hadha kung babae. Uknusu hadha kung maramihan.

96. Nazzif hadha نظّف هذا : Linisin mo yan. Nazzifi hadha kung babae. Nazzifu hadha kung marami.

97. Bis sur’ah بالسرعة : Bilis. Hurry up!

98. Linadkhul لندخل : Magsipasok tayo. Pumasok na tayo (pautos).

99. Intabih انتبه : Mag-ingat ka. Intabihi kung babae. Intabihu kung marami.

100. Ma hadha ما هذا : Ano yan?

101. Mubarak مبارك : Congratulations! Pwede ring mubarak lak/مبارك لك o di kaya ay mabruk/مبروك. Pero ang salitang mabruk ay hindi salitang fus-hah (classic Arabic) at ito ay kolokyal na salitang Arabe.


Comments


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page