top of page

ANG LALAKI AT ANG PUSANG NA-UUHAW!

  • ipoetryart
  • Jan 17, 2017
  • 2 min read

Ang kwentong ito ay nangyari sa Saudi Arabia mismo. Isang araw mayroon isang lalaki na pumupunta sa kanyang nanay sa ospital o pagamutan, ang kanyang ina ay walang malay at nasa ICU, at dahil sa ang oras ng pagbisita sa kwarto ng kanyang ina ay mayroon limitasyon ay kailangan niyang makaabot sa tamang oras at araw.

Habang siya ay papunta ng ospital upang dalawin ang kanyang ina ay dumaan siya ng gasolinahan upang mag pakarga ng gasolina sa kanyang sasakyan, at dito ay nakita niya ang isang nanay na pusa na mayroon apat na anak, at ang nanay ng mga pusa na yun ay nakatingin sa isang aircon at nag-aabang na mayroong tubig na tumulo o lumabas mula dito upang makainum dahil sa subrang pagka-uhaw, at pagkatapos ay kanyang pinapasoso ang kanyang mga anak.

Nasaksihan ito ng lalaki at naisip niyang kumuha at bumili ng tubig sa tindahan ng gasolinahan at kanya ito pinainum sa mga pusa at naglagay pa siya ng plastik at nilagyan ng tubig upang sila at makainum kapag sila ay nauuhaw.

Umalis ang lalaki papunta sa kanyang ina, at pagkarating sa ICU room ay wala doon ang kanyang ina, at siya ay nagtaka at nag-akalang namatay na ang kanyang ina, siya ay nagtanung sa mga nurse at doctor na nandoon.

Sinabi ng mga nurse: ang nanay mo ay nilipat namin sa ibang kwarto at siya ay nagising na at midyo gumagaling na.

Agad-agad siyang pumasok sa nasabing kwarto at nakita niya ang kanyang ina at totoo ngang siya ay gumaling at halos walang sakit na nararamdaman.

Pagkita sa kanya ng kanyang ina ay agad na ngumiti at nagsabi: salamat sayo aking anak, salamat sa iyong ginawa, salamat sa iyong kabutihan.

Nagtaka ang lalaki kung bakit nagpapasalamat at kanyang ina at siya ay sumagot: bakit aking ina, Anu ba ang aking nagawa?

Sabi ng kanyang ina: Wallahi, habang aku ay nasa ICU at walang malay ay napanaginipan ku ang pag-papainom mu sa pusa at kanyang mga anak na na-uuhaw na parang kasama kita sa oras na yun, at pag-inum ng mga pusa ay nagkaroon aku ng malay at gumaling.

Napaiyak ang lalaki at kanyang ina sa subrang kasiyahan at pagpapasalamat sa Allah sa kanilang mga biyaya.

- Kaya naman, kung ang pagiging mabuti sa mga hayop ay gagantimpalaan tayo ng Allah, paanu pa kaya kung magiging mabuti tayo sa mga tao lalong lalo na ang mga nangangailangan, tiyak ay gagantimpalaan tayo ng Allah ng mas mainam pa.

Nang ang Propeta (s.a.w) ay tanungin: “O Sugo ng Allah, kami ba ay magkakamit ng gantimpala dahil sa aming kabutihan sa mga hayop?" Kanyang sinabi: “Mayroong gantimpala sa mga kabutihan sa bawa't may buhay.” (Al-Bukhari 2466)


Recent Posts

See All
GAYUMA

"GAYUMA PARA HINDI NA MAKAPAG-ASAWA SI MISTER ️NG ️IBA" Isang ginang ang lumapit sa isang eskolar upang magtanong hinggil sa gayuma....

 
 
 
Ang Islam sa Pilipinas

Ang Islam sa Pilipinas Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin Sa mga Muslim, nakakalugod na isipin na ang Pilipinas ang...

 
 
 

Comentarios


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page