top of page

Tama po ba na gamitin ang katawagan na ‘Shaykh’ sa kahit kaninong tao?

  • Shaykh Uthaymeen
  • Jan 16, 2017
  • 2 min read

TANONG: Tama po ba na gamitin ang katawagan na ‘Shaykh’ sa kahit kaninong tao? Lalo na ngayon na ang terminong ito ay palasak na ginagamit, inshaAllah ay maliwanagan po kami tungkol dito.

Shaykh Uthaymeen (rahimahullaah): Ang termino na ‘Shaykh’ sa wikang Arabic ay hindi ginagamit maliban kung tumutukoy ito sa mga kabeer (elder), maaaring ito ay nakatataas sa edad o gulang, o di kaya naman ay nakatataas dahil sa taglay na kaalaman, o kayamanan, at ang mga katulad nito; at ito ay hindi ginagamit sa mga sagheer (mas maliit o mas mababa, i.e.: mas bata, mas kakaunti ang kaalaman, etc.) Ngunit tulad nga ng sinabi mo, ang terminong ito ay palasak na ginagamit ng mga ignorante upang tawagin ang kung sino na lamang bilang ‘Shaykh’; at para sa akin, ito ay hindi karapat-dapat.

Sapagkat kung gagamitin mo sa taong ito ang terminong ‘Shaykh’ at siya ay ignorante at walang alam, ang mga tao ay madadala ng panlolokong ito. At iisipin nila na mayroong taglay na kaalaman ang taong ito, at lalalpit sila sa kanya upang humingi ng fatwa (Islamic rulings) at iba pang bagay bukod dito, at malaking kaguluhan ang maidudulot nito.

At marami sa mga tao—hinihiling natin kay Allah (subhanahu wa ta’ala) na gabayan niya tayo at sila rin—ang mga taong ito ay walang pakialam at agad-agad nagbibigay ng fatwa kahit pa wala silang kaalaman tungkol dito. Sapagka’t iniisip niya na kung sasabihin niya na ,”Hindi ko alam” ito ay makapagbababa sa kanyang katayuan. Ngunit ang katotohanan , kung ang tao ay magsasabi ng “hindi ko alam” sa mga bagay na wala siyang kaalaman, kung gayon ito ay bilang kabuoan ng kanyang katayuan. Ngunit ang kaluluwa ng tao ay nahirati na siya ay makapagpasikat sa iba, maliban doon sa mga pinangalagaan ni Allah (subhanahu wa ta’ala) mula sa ganitong kalagayan. Kaya ang aking nakikita ay ang terminong ‘Shaykh’ ay hindi maaaring gamitin maliban doon sa talagang karapatdapat para rito, maging ito ay tumutukoy sa kanyang edad, sa kanyang pagiging marangal, pagkakaroon ng mataas na estado sa ibang tao, o dahil sa kanyang kaalaman.

At sa katulad ring pangyayari ay may mga tao na ginagamit ang terminong ‘Imam’ sa mga karaniwang alim, kahit ang alim na ito ay nagmula sa mga bulag na tagasunod: sasabihin nila na siya ay ‘Imam’. At hindi rin maaari ang ganito; ang dapat na gawin ay gamitin ang terminong ‘Imam’ doon lamang sa mga may karapatan na tawaging ‘Imam’, at siya ay may mga tagasunod, at ang kanyang mga salita ay binibigyan ng mataas na pagpapahalaga ng mga Muslim.

At panghuli ay nagbigay ka ng salaam katulad ng ginawa ng brother na nagtanong bago ikaw, at ito ay hindi nagmula sa Sunnah. Sapagkat ang mga Sahabah (radiyallahu anhuma), kung may nais silang itanong sa Propeta (salallahu alayhi wa salam), ay hindi sila nagbibigay ng salaam sa kanya maliban doon sa dumating upang makiumpok sa kanila ; siya ang dapat magbigay ng salaam.

********

Translated by: Rasheed ibn Estes Barbee (Masjid Tawheed wa Sunnah)


Recent Posts

See All

Comments


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page