Paano Pakitunguhan Ang Asawang Pasaway?
- ipoetryart
- Jan 16, 2017
- 4 min read
PIVOTAL QUOTE:
Gayunpaman, ito ay hindi dapat maging hadlang upang kausapin mo ang iyong asawa ng maayos at pakitunguhan siya sa paraan na maaaring makapagpalambot ng kanyang puso na siyang magiging daan upang kalugdan ka niya at ibigay ang iyong mga karapatan sa tamang pakikisama.
Kapatid na Muslimah, Ang asawa mo ba ay:
Mabait at may takot kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) NGUNIT 1.Paiba-iba ng ugali/mood, 2. laging nakasimangot 3.hindi mapakali at higit sa lahat…….IKAW ANG SINISISI KUNG BAKIT SIYA NAGKAKAGANOON? At sa kabila ng lahat ay patuloy mo pa rin siyang pinagsisilbihan, patuloy mong sinisikap na tuparin ang iyong mga tungkulin sa kanya, iniiwasan mong gawin ang mga bagay na hindi niya magugustuhan habang pinagtitiisan mo ang masama niyang pakikitungo sa iyo. Bukod pa rito, sa tuwing magtatanong ka sa kaniya ay palagi siyang galit at pabalang sumagot na para bang ang mga sinasabi mo ay mga bagay na walang halaga, isang kamangmangan lamang, ngunit kapag siya ay nasa piling ng kanyang mga kaibigan, nakikita mo na siya ay lubos na masaya.
Alam kong masakit para sa iyo ang ganitong pagtrato, na kung minsan ay nagsisilbi na ring dahilan upang magalit ka sa kanya at makaisip na lumayas na lamang sa inyong tahanan. Ngunit Alhamdulillaah! Ikaw ay pinalaki na mayroong pinag-aralan at sumusunod sa ating relihiyong Islaam, kung kaya, patuloy mo pa ring tinutupad ang iyong mga tungkulin bilang isang asawa. Kung nanaisin mo na umalis na lamang sa inyong bahay kasama ang iyong mga anak, at palakihin mo sila, pag-aralin at sikaping mabuhay na hindi kasama ang iyong asawa, magiging makasalanan ka kaya? O higit na mainam na magtiis ka na lamang sa kasulukuyan mong sitwasyon, iwasan ang magreklamo at patuloy na mag-sabr ?
PAYO NI Shaykh Ibn Baaz (rahimahullaah):
Walang pag-aalinlangan na tungkulin ng mag-asawa, babae at lalaki na mamuhay ng magksama, sa paraan na mayroong mabuti at katanggap-tanggap na pakikitungo . Kinakailangan ng mabuting pag-uugali at pagtrato sa isa’t-isa, kasama ng pagmamahal at mabuting pakikitungo–katulad ng sinabi ni Allah (subhanahu wa ta’ala),
‘‘ ( النساء 19 ) : { وعاشروهن بالمعروف } At ang karapat-dapat na pakikisama ninyo sa inyong mga asawa ay dahil sa pagmamahalan, pag-uunawaan at pagbibigay sa kanila ng kanilang karapatan..’’ [Sooratun-Nisaa‘ 4:19 ]
At ang Kanya (subhanahu wa ta’ala) na sinabi,
‘‘At ang para sa mga kababaihan ay mga karapatan sa kanilang mga asawa na katulad din ng mga karapatan ng kanilang mga asawa sa kanila, sa tamang pamamaraan. Subali’t nakahihigit ng isang antas ang mga kalalakihan sa kanilang mga asawa dahil sa tungkuling iniatas sa kanila na tulad ng magandang pakikisama, tamang pakikisalamuha at pamumuno sa tahanan..’’ [Sooratul-Baqarah 2:228]
Si Propeta Muhammaad (sallallaahu ’alayhi wa sallam) ay nagsabi, ‘‘. “الْبِرُّ حُسْنُ الْخُلُقِ /ang pagiging matuwid ay makikita sa pagkakaroon ng mabuting ugali’’ [1]
Sinabi pa niya (’alayhis-salaatu was-salaam) , ‘‘ لَا تَحْقِرَنَّ مِنْ اَلْمَعْرُوفِ شَيْئًا, وَلَوْ أَنْ تَلْقَى أَخَاكَ بِوَجْهٍ طَلْقٍ }.’’ [2] Huwag ninyong ituring na balewala lamang kahit na ang pinakamaliit na kabutihan, maging ito ay ang pagngiti sa inyong kapatid
Siya (sallallaahu ’alayhi wa sallam) ay nagsabi, ‘‘ أكمل المؤمنين إيمانا أحسنهم خلقا وخياركم خياركم لنسائهم ] Ang may pinakaganap na pananampalataya ay iyong may pinakamabuting ugali, at ang pinakamainam sa inyo ay iyong pinakamahusay sa pakikitungo sa kanyang pamilya.’’ [3]
Marami pang ahaadeeth na katulad nito ang nagpapatunay na ang pagkakaroon ng kabutihang asal at mabuting pakikisama ay hinihikayat para sa mga Muslim. Kung ito ang pangkalahatang sitwasyon sa mga Muslim, kung gayon ay mas higit na importante ang mabuting pakikitungo sa kamag-anak, lalo na sa asawa. At ikaw, Kapatid na Muslimah ay kahanga-hanga sa pagsisikap mo at pagtitiis sa masamang pagtrato at hindi magandang ugali ng iyong asawa. Gayunpaman, ipinapayo ko sa iyo na dagdagan mo pa ang iyong sabr at huwag kang umalis sa inyong tahanan, at inshaAllaah, magkakaroon ka ng malaking gantimpala sa kabutihan na iyong ginawa. Dahil sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala),
‘ { يا أيها الذين آمنوا اصبروا وصابروا } O kayong mga naniwala sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at sa Kanyang Sugo, at nagpatupad ng Kanyang batas! Maging matiisin kayo sa pamamagitan ng pagsunod ninyo sa inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha at sa anumang dumarating sa inyo na mga kahirapan at pagsubok. [Sooratul-Al-Imran:200]
sinabi pa Niya (subhanahu wa ta’ala):
‘‘Katiyakan, ang sinumang natatakot sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) at may pagtitiis sa mga pagsubok ay walang pag-aalinlangan na ang Allâh (subhanahu wa ta’ala) ay hindi Niya binabalewala ang gantimpala ng mga gumagawa ng kabutihan kundi pinagkakalooban Niya ito nang higit pang gantimpala.” [Soorah Yoosuf 12:90]
‘‘ { إنما يوفى الصابرون أجرهم بغير حساب } Para sa mga mabubuti rito sa daigdig sa kanilang pagsamba sa kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha at pagsunod sa Kanya ang mga mabuting gantimpala sa Kabilang- Buhay na ito ay ‘Al-Jannah’ (Hardin), at mabuting gantimpala rito sa daigdig na ito ay kalusugan, kabuhayan, tagumpay at iba pa. [Sooratuz-Zumar 39:10]
Katiyakan, ang magandang hantungan dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay ay para lamang sa mga may takot sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) at pag-iwas sa lahat ng Kanyang mga ipinagbabawal.
‘[Soorah Yusuf:49]
Gayunpaman, ito ay hindi dapat maging hadlang upang kausapin mo ang iyong asawa ng maayos at pakitunguhan siya sa paraan na maaaring makapagpalambot ng kanyang puso na siyang magiging daan upang kalugdan ka niya at ibigay ang iyong mga karapatan sa tamang pakikisama. At hanggat tinutupad niya ang mga pangunahin niyang tungkulin at mahahalagang obligasyon sa iyo, kung gayon ay sikapin mo na huwag humingi sa kanya ng mga makamundong bagay, hanggang ang kanyang puso ay mabuksan at mapagtanto niya na ikaw ay karapatdapat sa sa iyong mga hinihiling at ito ay kanyang punuan, inshaAllah.
Gantimpalaan ka nawa ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) ng kabutihan at gawin niyang madali para sa iyo ang lahat ng iyong pinagdadaanan. At ang iyong asawa ay magbago ng ugali, magabayan siya at maging mabuti sa iyo , at gampanan ang kanyang mga tungkulin.
Katotohanan! Si Allaah (subhanahu wa ta’ala) ang pinakamainam na sumbungan at hingan ng tulong, at Siya lamang ang makapag-aakay tungo sa Tamang Landas. [4]
********
Footnotes: [1] Muslim (4/1980) mula kay an-Nawwaas Ibn Sam’aan (radiyallaahu ’anhu). [2] Saheeh: Ahmad (5/63) saheeh ni al-Albaanee sa as-Saheehah (bilang. 1352). [3] Hasan: at-Tirmidhee (1/217-218) na nagsabing, ‘‘Ang hadeeth ay Hasan Saheeh.’’ [4] al-Fataawaa (1/193-194)
Recent Posts
See AllTANONG: Tama po ba na gamitin ang katawagan na ‘Shaykh’ sa kahit kaninong tao? Lalo na ngayon na ang terminong ito ay palasak na...
Tanong: Ano po ang hukom sa pagdiriwang ng kaarawan ng mga bata at ng taunang anibersaryo ng araw ng kasal? Sagot: Walang ibang...
Ang mga Islaamic centers ay mayroong suliranin na kinakaharap sa pag-aanyaya sa mga hindi mananampalatayang kababaihan upang tanggapin...
Commentaires