top of page

Nabanggit na ang Hoorul-`Een ay para sa mga kalalakihan sa paraiso, kung gayon ano naman ang par

  • Shaykh Muhammad ibn Saalih al-Uthaymeen
  • Jan 16, 2017
  • 2 min read

Bismillaahi walhamdulillaah was salaatu was salaamu ‘alaa rasuwlillaah

Tinanong si Shaykh Muhammad ibn Saalih al-Uthaymeen (rahimahullaah) sa kanyang Majmoo` Fataawaa vol. 2, pahina 51:

Tanong: Nabanggit na ang Hoorul-`Een (magagandang dilag na may malaki at magandang mga mata) ay para sa mga kalalakihan sa paraiso, kung gayon ano naman ang para sa mga kababaihan?

Sagot: Ang Allaah, ang Dakila at Kataas-taasan ay nagsabi tungkol sa lubos na kaligayahan ng mga tao ng Paraiso:

وَلَكُمْ فِيهَا مَا تَشْتَهِي أَنفُسُكُمْ وَلَكُمْ فِيهَا مَا تَدَّعُونَ نُزُلًا مِّنْ غَفُورٍ رَّحِيمٍ

“At kahit ano ang inyong kahilingan ay matatagpuan ninyo kaagad sa inyong harapan bilang parangal at pag-iistima at biyaya sa inyo mula sa Allâh na ‘Ghafour’– Ganap na Mapagpatawad sa inyong kasalanan, na ‘Raheem’ –Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal sa inyo.” [41:31-32]

At ang Allaah ang Kataas-taasan ay nagsabi:

وَفِيهَا مَا تَشْتَهِيهِ الْأَنفُسُ وَتَلَذُّ الْأَعْيُنُ ۖ وَأَنتُمْ فِيهَا خَالِدُونَ

“At nandoroon din sa ‘Al-Jannah’ (Hardin) para sa kanila ang anuman na nais ng kanilang mga sarili at lahat ng mga kaaya-aya sa kanilang paningin, at sila roon ay mananatili magpasawalang-hanggan.” [43:71]

At batid ito sa karamihan na ang pinakanais-nais na bagay ng mga tao ay ang pag-aasawa, kaya ito ay isang bagay na magkakaroon ang mga maninirahan sa Paraiso, ang mga kalalakihan mula sa kanila at mga kababaihan.

Pananatilihin ng Allaah ang Kataas-taasan ang babae na kasal sa kanyang asawa na pinakasalan niya sa mundong ito, tulad ng sinabi ng Allaah – ang Dakila at Kataas-taasan;

رَبَّنَا وَأَدْخِلْهُمْ جَنَّاتِ عَدْنٍ الَّتِي وَعَدتَّهُمْ وَمَن صَلَحَ مِنْ آبَائِهِمْ وَأَزْوَاجِهِمْ وَذُرِّيَّاتِهِمْ ۚ إِنَّكَ أَنتَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ

“O Allâh na aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Papasukin Mo ang mga mananampalataya sa mga Hardin ng ‘`Aden’ na kung saan ipinangako Mo sa kanila, at ganoon din ang mga naging matuwid sa paniniwala at nagsagawa ng kabutihan mula sa kanilang mga magulang, mga asawa at mga anak. Dahil Ikaw sa katotohanan ay ‘Al-`Azeez’ – ang Kataas- Taasan at Punung-Puno ng Karangalan na Ganap na Makapangyarihan na kumukuntrol ng lahat ng bagay, na ‘Al-Hakeem’– Ganap na Maalam sa Kanyang Pangangasiwa at Paglikha.” [40:8]

~

Isinalin sa wikang Ingles ni: Sa`d ibn Dawud ibn Ronald Burbank http://saadburbank.com/


Recent Posts

See All

Comments


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page