top of page

Hinggil sa paghihijab at pagtatakip ng Mukha ng mga kababaihan.

  • Shaykh Saalih al-Fawzaan
  • Jan 16, 2017
  • 2 min read

Shaykh Saalih al-Fawzaan [hafidhahullaah]

…..At kapag tinanong ninyo ang mga asawa ng Propeta hinggil sa anumang pangangailangan mula sa mga kagamitan sa bahay at iba pa ay magtanong kayo mula sa kabila ng tabing (kayo ay nasa kabila ng tabing); dahil ito ang mas nakalilinis sa inyong mga puso at sa kanilang mga puso [Al-Ahzab :53]

At ang Hijaab ay iyong nagsisilbing tabing ng babae, maging ito ay tela, dingding o pinto. Katulad ng sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta’ala) :[sa pagkakasalin]

O Propeta! Sabihin mo sa iyong mga asawa, sa iyong mga anak na kababaihan, at sa mga kababaihan na mga mananampalataya na takpan nila ang kanilang mga ulo at kanilang mga mukha hanggang sa bahagi na kanilang mga kasuotan; upang matakpan ang kanilang mga mukha, mga dibdib at mga ulo; ito ang pinakamalapit upang sila ay maiba sa pamamagitan ng pagtakip at pangangalaga, upang hindi nila mailagay sa kapahamakan ang kanilang mga sarili o di kaya ay sa pagkayamot. [Al-Ahzab : 59]

Kaya’t ang Hijaab ay nakapipigil sa mga may masamang balak sa kababaihan na isakatuparan ang balakin na ito. Kapag ang babae ay nagtakip ng kanyang sarili, ay walang pagnanasaan ang kalalakihan mula sa kanya. Ngunit kapag inalis niya ang takip/tabing na ito, ang mga may masasamang balak at mapaggawa ng kasamaan ay maaari nang pagnasaan ang babae.

Si Ibn Abbas (radiyallahu anhu) ay tinanong tungkol sa naturang Ayah [takpan nila ang kanilang mga ulo at kanilang mga mukha hanggang sa bahagi na kanilang mga kasuotan] , ang ginawa ni Ibn Abbas (radiyallahu anhu) ay kinuha niya ang ilalim na bahagi ng kanyang damit at itinakip ito sa kanyang mukha, at sinabi na ganito ang kahulugan ng nasabing ayah.

Si ‘Aisha (radiyallahu anha) ay nagsalaysay; Habang kasama namin ang Sugo ni Allaah (salallahu alayhi wa salam) at kami ay nasa kalagayang Ihram (sa panahon ng hajj) ; kapag dumaraan ang mga kalalakihan, ang aming mga khimaar ay ibinabab namin sa aming mga ulo at mukha, at kapag nakalampas na ang mga kalalakihan ay inaalis na namin ang takip. Ang lahat ng ito ay nangyari habang kasama nila ang Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) at ito ay kanyang sinang-ayunan.

Kaya ya Ikhwaan, ang Hijaab ay mayroong dalawang kapakinabangan;

UNA: upang mapanatili ang kalinisan ng puso;…..dahil ito ang mas nakalilinis sa inyong mga puso at sa kanilang mga puso [Al-Ahzab :53]

PANGALAWA: maiiwasan na ang kababaihan ay lapastanganin ng mga mapagkunwari at mapaggawa ng kasamaan. Kung kaya, kapag ang babae ay nakasuot ng tamang Hijaab at nakatakip ang kanyang mukha ay hindi nila makikita ito, at ang babae ay nakararamdam ng kasiyahan.:….. upang sila ay maiba sa pamamagitan ng pagtakip at pangangalaga [Al-Ahzab : 59]

Ibig sabihin ay makikilala ang Muslimah na nagtatakip ng kanyang mukha at magiging iba siya sa ibang kababaihan at maiiwasan ang pagkapahamak., bi’idnillaahi ta’ala.

…….upang hindi nila mailagay sa kapahamakan ang kanilang mga sarili o di kaya ay sa pagkayamot.. [Al-Ahzab : 59]

Ibig sabihin ay mapipigilan ang pagnanasa ng kalalakihan , ngunit kung ilalantad niya ang kanyang kagandahan, sila ay magnanasa sa kanya at maaari niyang ikapahamak ito.

********

Isinalin sa wikang banyaga (ingles) ni: Abu Anas Atif Hasan alBinaa Publishing http://alfawzan.af.org.sa/node/14846


Recent Posts

See All

Comments


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page