Hajj Ng Mga Kasambahay na Walang Kasamang Mahram- alifta-
- ipoetryart
- Jan 16, 2017
- 3 min read
Matapos pag-aralan ang Fatwa na hiniling, ang Committee ay sumagot:
Ito ay isang matibay na Shar‘y (legal na batas ng Islam) na hindi pagpapahintulot sa isang babae na maglakbay kung siya ay walang kasamang Mahram, batay sa katibayan na inulat mula sa Propeta (salallahu alayhi wa salam) kung saan ito ay matibay niyang ipinagbawal. Sumasailalim sa salitang paglalakbay, bilang pantukoy sa pangkalahatan, ay ang lahat ng uri ng paglalakbay, i.e. maging ito ay nagmula sa ipinahihintulot, tungkulin o obligasyon, o ang mga iminumungkahi na kadahilanan. Kami ay nagpalabas ng Fatwa, bilang (16042), na may kahalintulad na pagsasabatas at nagsasabing:
Hindi pinahihintulutan ang isang babae na maglakbay kung siya ay walang kasamang Mahram, sapagkat naiulat mula sa Propeta (salallahu alayhi wa salam) na kanyang sinabi ayon kay Ibn ‘Abbas (radiyallahu anhu): Ang babae ay hindi dapat maglakbay maliban kung siya ay mayroong kasamang Mahram (ang kanyang asawa o ang kamag-anak na lalaki na hindi niya maaaring mapangasawa) (Isinalaysay ni Ahmad, Al-Bukhari at Muslim) Bukod pa rito, si Ibn ‘Abbas (radiyallahu anhu) ay nagsabi na narinig niya ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) sa kanyang hulling khutbah: ‘Walang lalaki na maaaring mapag-isa sa piling ng babae maliban kung nandoroon ang Mahram niya (ng babae), at walang babae ang maglalakbay maliban na kasama niya ang kanyang Mahram.’ Tumayo ang isang lalaki at nagsabi, ‘O Sugo ni Allah! Ang aking asawa ay nakahanda na upang magsagawa ng Hajj at ako naman ay nakatala nang sumama sa ganoon o ganitong paglalakbay/pakikibaka.’
(Part No. 17; Page No. 334)
Siya (salallahu alayhi wa salam) ay nagsabi, ‘Humayo ka at samahan mo ang iyong asawa sa pagsasagawa ng Hajj .’ (Isinalaysay ni Ahmad, Al-Bukhari at Muslim) Kung kaya, hindi ipinahihintulot sa isang babae ang maglakbay, sa kahit na anong kadahilanan, maliban kung kasama niya ang kanyang Mahram na siyang mangangalaga sa kanya, magbabantay at magbibigay ng kanyang pangangailangan. Ang Mahram ay maaaring ang kanyang asawa o ang lalaki na habang buhay na ipinagbawal sa kanya na maging asawa sa dahilan na sila ay may ugnayang nagmula sa dugo o kamag-anak, o kaya naman ay ang kanyang ama, anak, kapatid na lalaki, pamangkin na lalaki, biyenan na lalaki, tiyuhin mula sa ina o ama, anak na lalaki ng kanyang asawa, anak o kapatid na pinagbuklod mula sa pagpapasuso at sa katulad na kadahilanan. Ito ay ipatutupad maging ang babae ay bata o matanda, nag-iisa o mayroong kasamang iba pang kababaihan. Sa katunayan, ang mga kasama niyang kababaihan ay hindi sapat na pamalit sa kanyang Mahram, ito ay batay sa pangkalahatang kahulugan ng mga Hadith tungkol sa usapin at ang katotohanan na ang pagbabawal (i.e. sa kawalan ng presensya ng Mahram) ay nandoroon pa rin. Alinsunod dito, nararapat sa babae at sa tagapangalaga niya na sila ay matakot kay Allah (subhanahu wa ta’ala), sumunod sa mga Ipinag-uutos ni Allah (subhanahu wa ta’ala) at ng Kanyang Sugo (salallahu alayhi wa salam) at iwanan ang mga ipinagbabawal lalo na kung ito ay may kinalaman sa pagkamabini, kawagasan at pagpigil sa kademonyohan na magiging sanhi ng pagkapahamak. Ang paghahangad sa mga maka-mundong bagay ay hindi dapat maging sanhi upang ipagsa-walang bahala nila ang bagay na ito.. Dahil dito, hindi pinahihintulutan ang isang babae na maglakbay upang isagawa ang obligasyon na Hajj kung siya ay walang kasamang Mahram. At saka, ang mga namamahala sa pagsasagawa ng Hajj kahit walang Mahram ang babae ay kinakailangan na pigilin sa ganitong gawain upang huwag silang makagawa ng mga bagay na ipinagbawal ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) na siyang magbubulid sa kasamaan at pagkapahamak. Si Allah (subhanahu wa ta’ala) ay nagsabi (sa pinakamalapit na pagkakasalin): “At ipinag-utos ng Allâh (subhanahu wa ta’ala) sa sinumang may kakayahan sa mga tao mula sa iba’t ibang lugar na magtungo sa Tahanang ito, upang isagawa ang mga alituntunin ng‘ Hajj.” [Sural Al’e Imran : 97]
(Part No. 17; Page No. 335)
Katunayan, isa sa mga kundisyon ng pagiging may kakayahan ng isang babae na magsagawa ng Hajj ay ang pagkakaroon niya ng Mahram na nakahandang samahan siya sa kanyang pagha-Hajj. Kung tutuusin ay hindi nag pinahihirapan ni Allah (subhanahu wa ta’ala) ang sinuman ng lampas sa kanyang kakayahan.
Gantimpalaan nawa tayo ni Allaah ng tagumpay! Ang kapayapaan ay mapasa Kanyang Sugo na si Propeta Muhammad, sa kanyang pamilya at sa mga Sahabah!
~
Permanent Committee for Scholarly Research and Ifta’
Chairman: `Abdul-`Aziz ibn `Abdullah ibn Baz Member: Bakr Abu Zayd Member: Salih Al-Fawzan Member: Bakr Abu Zayd Member:`Abdul-`Aziz Al Al-Shaykh Member:`Abdullah ibn Ghudayyan Source: Fatwas of the Permanent Committee
Recent Posts
See AllTANONG: Tama po ba na gamitin ang katawagan na ‘Shaykh’ sa kahit kaninong tao? Lalo na ngayon na ang terminong ito ay palasak na...
Tanong: Ano po ang hukom sa pagdiriwang ng kaarawan ng mga bata at ng taunang anibersaryo ng araw ng kasal? Sagot: Walang ibang...
Ang mga Islaamic centers ay mayroong suliranin na kinakaharap sa pag-aanyaya sa mga hindi mananampalatayang kababaihan upang tanggapin...
Comments