Daaiyaat- Ang Babaeng nag-aanyaya tungo sa landas ng Allaah (subhanahu wa taala)
- Imaam al-Albaanee
- Jan 16, 2017
- 2 min read
Imaam al-Albaanee – rahimahullaah :
At tungkol sa kumakalat na gawain dito Damascus sa kasalukuyan kung saan ang mga babae ay nagpaparoon at parito sa mga masjid sa nakatakdang panahon upang mag-aral mula sa isa sa kanila (i.e. babaeng katulad rin nila) na tinatawag ang kanilang mga sarili bilang mga (daaiyaat) , kung gayon ito ay mula sa mga imbentong bagay/gawain na hindi makikita sa panahon ni Propeta Muhammad (sallallaahu alayhi wa sallam) o sa panahon ng mga Salafus-Saalih. Sa halip, ang nararapat ay turuan sila ng matutuwid na Scholar sa isang itinakdang lugar katulad ng nasaad sa hadith, o kaya naman ay turuan sila kasabay ng mga lalaki , ngunit ihiwalay sila mula sa mga lalaki maging ito ay sa masjid. Kung hindi ganito ang sitwasyon, kung gayon ay malalamangan sila ng mga lalaki, at ang kaalaman ay hindi nila matatamo.
Kung kaya, kung mayroong makikita sa mga kababaihan ngayon na nagtataglay ng kaalaman at tamang pagkakaunawa na nagmula sa Qur’an at Sunnah, kung gayon ay walang suliranin kung siya ay magbibigay ng pribadong pag-aaral kasama ng mga kababaihan, sa loob ng kanyang tahanan o sa tahanan ng isa sa kanila, na higit na mainam para sa kan ilang lahat. Paanong hindi ganito ang dapat mangyari gayong sinabi ng Propeta Muhammad (sallallaahu alayhi wa sallam) patungkol sa pagsa-salah ng mga babae kasama ang jamaah…na “higit na mainam ang kanilang tahanan”. Kaya’t kung ganito ang sitwasyon sa usapin ng Salah o pagdarasal, kung saan kinakailangan ng babae ay sumunod sa kaasalan at tamang pagkilos , na hindi niya tinataglay at karaniwang isinasagawa sa labas ng pagdarasal, paano pa kaya kung sa paghahanap ng kaalaman? Lalo na kung ang isa sa kanila ay nagtataas ng boses at maaaring gumaya pa ang iba, at ang ganitong gawain ay tunay na hindi kaaya-aya, ang pag-iingay sa laoob ng masjid, at ganito ang nakalulungkot na karaniwang nangyayari sa ngayon.
Pagkatapos ay nasaksihan ko ang ganitong pangyayari, ang ganitong imbentong gawain sa lupaingaya ng Amman (Jordan) halimbawa. Humihiling tayo kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) upang iligtas tayo sa ganitong mga imbentong gawain.
Recent Posts
See AllTANONG: Tama po ba na gamitin ang katawagan na ‘Shaykh’ sa kahit kaninong tao? Lalo na ngayon na ang terminong ito ay palasak na...
Tanong: Ano po ang hukom sa pagdiriwang ng kaarawan ng mga bata at ng taunang anibersaryo ng araw ng kasal? Sagot: Walang ibang...
Ang mga Islaamic centers ay mayroong suliranin na kinakaharap sa pag-aanyaya sa mga hindi mananampalatayang kababaihan upang tanggapin...
Comments