Anong parte ng katawan ang maaring makita ng (manliligaw) sa isang babae na kanyang gustong pakasala
- Shaykh Shaykh Muḥammad Nāṣir Al-Dīn Al-Albānī
- Jan 16, 2017
- 3 min read
Bismillaahi walhamdulillaah was salaatu was salaamu ‘alaa rasuwlillaah
Tinanong si Shaykh Shaykh Muḥammad Nāṣir Al-Dīn Al-Albānī (rahimahullaah):
Anong parte ng katawan ang maaring makita ng (manliligaw) sa isang babae na kanyang gustong pakasalan?
Siya ay sumagot:
May dalawang uri ang pagkikita
Una ang itinakdang pagkikita sa babae at sa kanyang tagapag-alaga, at hindi ang babae na nag-iisa lamang. Ito ang pagkikita na inihanda ng babae at ng kanyang pamilya at tagapag-alaga. Sa pagkikitang ito hindi pinahihintulutan [ang manliligaw] na makita siya maliban sa anumang karaniwan na maaring makita sa kanya kung siya ay aalis ng kanyang pamamahay at pupunta sa palengke, sa kalsada, i.e ang kanyang mukha at kamay lamang (i.e dapat siya ay nasa kanyang kumpletong hijab, at ayon sa palagay ng Shaykh at ng iba pang skolar, ang babae ay hindi inuobligang nakatakip ang mukha at kamay kapag nasa kumpletong hijab)
Ang pangalawang pagkakataon ay ang pagmamasid sa kanya ng hindi niya ito batid. Maari natin tawagin ang uring pagtanaw na “Ang pinahihintulutang pagsilip/pagsulyap” ito ang pagtingin ng manliligaw sa babaeng kanyang napupusuang pakasalan, kaya pagmamasdan niya ang maaring makita sa babae habang hindi niya ito namamalayan. Ito ay pinahihintulutan ng walang hangganan. Ito ay maaring gawin sa ilang pangyayari kahit walang anumang paghahanda. Napatunayan ito sa isang kasamahan ng Propheta (sallallaahu ‘alayhi wa sallaam) ng siya ay nakitang tumititig sa babaeng nasa bubungan ng kanyang bahay; tinatawag namin itong mushraqah, ang bubungan kung saan isinasampay ang mga nalabhang mga damit. [Sa ganitong lugar] natatanaw ang babae at kung ang tao ay maingat sa pagtingin maari niyang makita ang parte ng kanyang braso, leeg, ulo o buhok. At kung wala siyang kaugnayan sa babae, dito nalalapat ang kasabihan ng Allaah tabāraka wa taʿālā:
Sabihin mo, O Muhammad, sa mga pananampalatayang kalalakihan na ibaba nila ang kanilang mga paningin {Kahulugan ng Qurʾān 24:30}
Kung siya ay nagnanais na pakasalan ang babae pinahihintulutan siyang makita ito para sa layunin na magdala sa kanyang pagpapasiya kung pakakasalan ba niya ito o hindi. At nalalapat rin dito ang hadith ni Al-Mughīrah b. Shuʿbah. Sa hadith na ito, binanggit niya sa Propheta (sallallaahu ‘alayhi wa sallaam) na siya ay nagpakasal sa babae mula sa Ansar. At sinabi ng Propheta (sallallaahu ‘alayhi wa sallaam) sa kanya: Siya ba ay iyong pinagmasdan? Dahil mayroong bagay na mayroon sa mata ng mga Ansar. At sa ibang salaysay, may kapinsalaan [sa mata ng mga ansar]. At si Al-Mughīrah ay nagsabi: At siya ay aking pinagmasdan at aking pinakasalan at nakita ko ang kabutihan at mabuting kapalaran sa kanya, o may katulad na kahulugan.
Samakatuwid may dalawang uri ang pagtingin at pagtitig sa babaeng ninanais na pakasalan: Ang pagtingin kung saan inayos ng kanyang pamilya, at dito hindi pinahihintulutan makita [ng manliligaw] maliban ang kanyang mukha at kamay. At para naman sa ikalawang pagtingin (naipaliwanag sa itaas) ito ay walang hangganan.
~
Al-Albānī. Silsilah Al-Hudā Wal-Nūr. [Tape no. 593 @ 01:01:04] Sa ibang naitalang kasagutan, Inihayag ni Shaykh Al-Albani na pinigilan niya ang pagpapahintulot sa babae na magpakita sa inayos na pagkikita sa manliligaw na walang kumpletong hijab, na dati niyang pinahihintulutan na hinango niya sa salaysay tungkol kay Umm Kulthūm, ang anak na babae ni ʿAlī, ng siya ay inialok na ipakasal kay ʿUmar at siya ay makita. Nagpalit ng katayuan ang Shaykh sa katotohanan ng salaysay, at pagkatapos ito ay minarkahan niya ng mahina.
Isinalin sa wikang ingles: Owais Al-Hashimi http://owaisalhashimi.info
Recent Posts
See AllTANONG: Tama po ba na gamitin ang katawagan na ‘Shaykh’ sa kahit kaninong tao? Lalo na ngayon na ang terminong ito ay palasak na...
Tanong: Ano po ang hukom sa pagdiriwang ng kaarawan ng mga bata at ng taunang anibersaryo ng araw ng kasal? Sagot: Walang ibang...
Ang mga Islaamic centers ay mayroong suliranin na kinakaharap sa pag-aanyaya sa mga hindi mananampalatayang kababaihan upang tanggapin...
Comments