Ano ang ibigsabihin ng Paniniwala sa ALLAH o ang Al-imaanu billah.
- Ust. Rasheed Sasuman Nantiza
- Jan 16, 2017
- 1 min read
Ito ay ang paniniwala sa apat na bagay: 1-Ang paniniwala sa Pagkaroon ng ALLAH; na Siya ay Katotohanan at Nabubuhay at kailanman ay hinding-hindi mamamatay.
2-Ang Paniniwala sa Pagkapanginoon ng ALLAH; Na Siya ang Lumikha ng lahat at Nagbigay buhay sa lahat at Tagapamahala sa lahat.
3-Ang Paniniwala na Ang ALLAH lamang ang may karapatang Sambahin at wala ng iba.
4-Ang paniniwala na ang ALLAH ay nagtataglay ng magagandang pangalan at mga kompleto at banal na mga Katangian.
-Alin man sa apat na ito ang hindi pinaniwalaan ng isang tao ay tunay na hindi siya isang mananampalataya sa ALLAH.
#ALLAHU A'lam.
Bình luận