top of page

Ano ang Hukom sa panalangin sa salaah gamit ang ibang wika maliban sa arabik, partikular sa isang ta

  • ipoetryart
  • Jan 16, 2017
  • 2 min read

Tanong: Ano ang Hukom sa panalangin sa salaah gamit ang ibang wika maliban sa arabik, partikular sa isang tao na hindi marunong sa wikang arabik.

Sagot: Ang Panalangin sa ibang wika maliban sa salitang arabik para sa taong hindi marunong ng arabik ay pinahihintulutan, maging ito ay sa salaah o sa labas ng salaah. Dahil ang taong hindi marunong ng arabik at pag siya ay pinagsalita mo ng arabik ito ay magiging pabigat lamang sa kanya dahil hindi niya ito nauunawaan.

لاَ يُكَلِّفُ اللّهُ نَفْسًا إِلاَّ وُسْعَهَا Na kung kaya,hindi ipinag-utos ng Allâh sa Kanyang mga alipin ang mga bagay na hindi nila makakayanan…(Al-Baqarah 2:286)

Kung may isang magsasabi: Tuturuan namin siya, At sasabihin namin: Kung tuturuan mo siya ng salita ngunit hindi niya alam ang kahulugan nito ano ang pakinabang? Gayon pa man pinahihintulutan ang tao na manalangin sa kanyang salita (i.e wika); ibig sabihin, sa salita ng isang nananalangin, sa wikang arabik o maliban sa salitang arabik. Para naman sa Qu’raan, hindi pinahihintulutan para sa sinuman ang magsalita nito maliban sa wikang arabik, sa kahit anumang kalagayan (i.e naiintindihan niya o hindi). At para naman sa mga du’aa na kung saan ay naiulat (i.e. sa Qur’aan at Sunnah), kung siya ay may dahilan upang hindi niya ito mapag-aralan sa wikang arabik, kung gayon walang masamang banggitin niya ang du’aa gamit ang sarili niyang wika. Ganoon pa man, halimbawa, ang pangalan ng Allaah, hindi ito maaaring palitan ng iba maliban sa wikang arabik. Kung hindi ito posible siya ay maaaring manalangin sa ibang salita maliban sa wikang arabik.

Kaya ang kategorya (ng salita sa loob ng salaah) ay ilan? Tatlo:

Ang Una: Ay yung mga hindi pinahihintulutan maliban sa wikang arabik. Ito ay ang Qur’aan.

Ang Pangalawa: Ay yung pinahihintulutan sa arabik at maliban dito para ito sa isang hindi nakakaintindi ng arabik, at ito ay panalangin sa Allaah sa anumang hindi nanggaling (mula sa Qur’aan o sa Sunnah).

Ang Pangatlo: Panalangin sa kung anuman ang naiulat, tulad ng mga du’aa o maliban sa mga ito. Sabi namin: Kung ang tao ay may kakayahang bigkasin ito sa arabik ay nararapat itong sa arabik. At kung hindi niya ito makakaya kung gayon (maaari na niyang bigkasin) sa kanyang wika.

********

Shaykh Muhammad ibn Saalih Al-‘Uthaymeen (rahimahullaah) Source:(Isinalin ni Rasheed ibn Estes Barbee sa wikang banyaga (Ingles) http://mtws.posthaven.com


Recent Posts

See All
Ang salah

Ang Katayuan ng Salaah (pagdarasal) at Kahigtan nito: Ang Mga Kahalagahan ng Salaah (Pagdarasal):

 
 
 

Comments


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page