top of page

Ano ang hatol sa pag-aayuno ng Taong Hindi Nagsasagawa ng Salah?

  • ipoetryart
  • Jan 16, 2017
  • 2 min read

Mayroon akong nasaksihan na ilan sa mga kabataang Muslim na nag-aayuno ngunit hindi sila nagsasagawa ng salah. Ang pag-aayuno po ba ng isang tao na hindi nagsasalah ay tatanggapin? Narinig ko po kasi sa ibang mangangaral na sinabihan nila ang mga kabataang nabanggit na itigil na ang pag- aayuno, dahil ang taong hindi nagsasagawa ng salah ay hindi dapat mag ayuno?

Sagot:

Sinuman na ang salah ay obligado sa kanya at ito ay sadya niyang hindi isinagawa, na itinatatwa niya na ito ay isang obligasyon, kung gayon siya ay hindi na nananampalataya ayon sa nakararaming scholar. Sinuman ang umiwan sa obligasyon ng salah dala ng pagpapabaya at kanyang katamaran, kung gayon siya ay hindi na mananampalataya ayon sa higit na wastong pananaw mula sa pananaw ng mga higit ang kaalaman. Kung napagpasyahan na siya ay isa nang hindi mananampalataya, ang kanyang pag-aayuno at iba pang gawaing pagsamba ay mawawalan ng kabuluhan. Ito ay dahil sa sinabi ni Allah (subhanahu wa ta’ala): kung sakali na sila ay sasamba ng iba bukod sa Allâh (subhanahu wa ta’ala) ay mawawalan ng saysay ang lahat ng kanilang ginawa; sapagka’t ang Allâh (subhanahu wa ta’ala), hindi Niya tinatanggap ang anumang gawa na may kahalong ‘Shirk. [Surah al-An’am 6:88]

Gayunpaman, ang taong ganito ay hindi dapat utusan na itigil ang pag-aayuno. Dahil ang pag-aayuno niya ay makapagdaragdag sa kanyang kabutihan at magpapalapit sa kanya sa relihiyon. At dahil rin, dala ng takot na nasa kanyang puso, inaasahan na ito ang siyang magiging dahilan upang bumalik siya sa pagsasagawa ng salah at magbalik-loob mula sa pag-iwan dito. At ang tagumpay ay nagmumula kay Allah.

Ang pagpapala at kapayapaan ay mapa sa sting Propeta Muhammad, sa kanyang pamilya at sa kanyang mga Kasamahan.

Permanent Committee for Research and Verdicts Fatawa Islamiyah Page no. 247 Vol: 2


Recent Posts

See All
Ang salah

Ang Katayuan ng Salaah (pagdarasal) at Kahigtan nito: Ang Mga Kahalagahan ng Salaah (Pagdarasal):

 
 
 

Comments


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page