top of page

Ang hukom o hatol sa pagmamaneho ng kababaihan

  • Shaykh Saleh bin Fawzaan bin al-Fawzaan
  • Jan 16, 2017
  • 3 min read

Nagiging mainit ang usap-usapan tungkol sa hindi pagpapahintulot sa mga kababaihan dito sa bansang Saudi na makahawak ng manibela ( makapagmaneho ng sasakyan), ang ilan pa ngang Muslimah ay tila ba hindi magiging kumpleto ang kanilang pagkatao kung hindi sila papayagan na makapagmaneho. At bagaman walang tuwirang teksto na nakasulat sa Batas ng Shari’a tungkol dito, at mayroon ring ibang pantas mula sa mga Ulaama ang nagsabi na hindi ito dapat ipagbawal, sapat na para sa atin na alamin, tingnan at limiin mabuti ang mga panganib na idudulot hindi lamang sa kababaihan (kundi sa lipunan na rin) ng pagpapahintulot dito.

Si Shaykh Saleh bin Fawzaan bin al-Fawzaan (hafidhahullaah) ay tinanong ukol dito at ito ang kanyang kasagutan:

“Ang mga Ulaama ay nagsalita na ukol sa bagay na ito. At ang kanilang mga kasagutan ay hindi mapag-aalinlanganan. Alhamdulillaah!

At ito ay:

Na ang babae na nagmamaneho ng sasakyan ay maraming pagbabanta ng kasamaan. At kung titingnan naman sa kabilang dako ay mayroon ring benepisyong matatamo. Ngunit ito ay hindi dapat tingnan lamang sa parte ng benepisyong matatamo at pagkatapos babalewalain na lamang ang mga masamang maidudulot nito.

“ANG PAGPIGIL/ PAG-IWAS SA KASAMAAN AY DAPAT MAUNA SA PAGKUHA NG BENEPISYO”..at ito ang isinabatas na alituntunin

Ang babae na nagmamaneho ng sasakyan ay maraming maidudulot na kasamaan. At isa na rito ay ang pangangailangan niya na mag-alis ng kanyang Hijaab. Hindi siya maaaring magmaneho ng sasakyan kung natatakpan ang kanyang ulo/mukha. At kung sakali man na naka-Hijaab nga siya, ay palaging nariyan ang pagbabanta na ito ay aalisin niya kung kinakailangan.

Pangalawa, ang babae ay makikisalamuha, makikipag-usap sa mga kalalakihan, halimbawa ay sa pulis trapiko lalo na kung magkaroon ng aksidente at alam natin na napakaraming aksidente ang nangyayari sa daan. Makikihalubilo siya sa mga kalalakihan. Pupunta siya sa istasyon ng pulisya. Pupunta siya sa…

Gayundin kung ang kanyang sasakyan ay nasiraan. Titigil siya sa gitna ng kalsada at mapipilitan siya na humingi ng tulong sa mga lalaki. Katulad ng nangyayari sa mga babaeng maneho. Ang kababaihan ay malalantad sa malayang pakikisalamuha, at dito nag-uumpisa ang kaguluhan.

At ang makasasama pa, kapag ang babae ay nakahawak na ng sasakyan, maaari na siyang umalis kung kailan niya gusto. Gabi o araw, dahil hawak niya ang susi ng kanyang sasakyan, ang kanyang sasakyan ay nasa kanya, pupunta siya kahit saan niya gusto. Hindi katulad kung siya ay dapat ipagmaneho ng kanyang tagapangalaga. Kasama niya ito sa loob ng sasakyan, nakaagapay saan man siya pumunta. Ngunit kung ang bagay na ito ay nakasalalay sa kanyang mga kamay, siya ay pupunta kung saan niya gusto at kung saan mayroong mag-anyaya sa kanya.

Maaaring makasalamuha nya ang mga masasamang lalaki, o mayroon siyang makilala na masamang lalaki. Alama naman nating lahat na ang pakikipagkomunikasyon sa isa’t-isa ay napakadali na sa panahon na ito. Makakarating sa kanya ang mensahe maging siya ay nasa sarili niyang higaan, o kaya ay sa basement ng kaniyang bahay, o kaya ay sa sarili niyang silid. At siya ay matutukso dahil ang mga babae ay likas na mahina.

Matutukso siyang magpatuloy at…….

Kaya ang babae na nagmamaneho ng sasakyan ay maraming masamang pagbabanta. Alam rin nating lahat na ang mga kalsada ngayon ay lubhang masikip na sa trapiko. Paano pa kaya kung pahihintulutan ang mga babae na makapagmaneho? Dadami ang mga sasakyan, dadami ang aksidente at panganib at ang mga tao ay lalong dadami.

Kaya ang mga babaeng nagmamaneho ng sasakyan ay maraming pagbabanta ng dulot na kasamaan. At ang pinakamasidhi sa mga kasamaan na ito ay pagkawala ng kanyang pagkababae at pagiging mayumi.

At ito ang ilan sa dahilan kung bakit hindi pinahihintulutan na magmaneho ng sasakyan ang mga kababaihan.

********

Audio-Islam.com


Recent Posts

See All

Comments


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page