top of page

“Ipinahihintulot po ba ang paglalagay ng makeup ng isang babae na nakasuot ng hijaab at lalabas ng k

  • Shaykh al-Albaani
  • Jan 16, 2017
  • 2 min read

Si Shaykh al-Albaani (rahimahullaah) ay sumagot:

“Hindi ito ipinahihintulot sa isang babae na hindi nagsusuot ng hijaab, at lalong-lalo na sa babaeng nakasuot ng hijaab, ang paggamit ng kolerete/makeup ng mga hindi mananampalataya, ang kolerete ng mga suwail at mga hindi sumusunod (kay Allaah). At kailan ninyo nalaman ang tungkol sa pampaganda ng kababaihan na tinatawag nila sa pangalan na hindi naman nagmula kay Allaah (subhanahu wa ta’ala) ang pagpapahintulot: ‘make-up’? Ito ay salita na hindi namin alam, o nang inyong mga ninuno na sinauna. Sa halip, ito ay banyagang salita na nangangahulugan na pampaganda ng mga suwail at hindi sumusunod sa utos na kababaihan ng Europa; at ang ating mga kababaihan – maliban doon sa pinangalagaan ni Allaah – sa kasamaang palad ay pinapaganda ang kanilang mga sarili gamit ang makeup na ito at ito ay nakaaapekto sa lipunan. Kaya ito ay hindi ipinahihintulot sa kababaihan. At ang katotohanan na ito ay isa sa maraming kabalintunaan : sa daan ay may makikita ka na babaeng nakasuot ng disenteng hijaab (ngunit) hindi ko sasabihin na ito ay ang hijaab na itinakda ng Islam; itinatali niya ang tinatawag nilang ‘ishaarb’ – o khimaar na siyang tamang katawagan sa wikang Arabic – tinatakpan ang kanyang buhok, ang kanyang leeg at iba pa, pero ang kanyang mukha ay may pulbo at mayroong lipstick ang labi. Ito (ang pagsusuot ng hijaab) ay taliwas sa (paglalagay ng make-up): dalawang magkasalungat na gawain, na hindi maaaring magkatugma. Ano ang dahilan sa ganitong pangyayari? Isa lang sa dalawa ang dahilan: kawalan ng kaalaman/ignorante o hindi pagsunod sa itinakdang batas ng Islam o dahil ang babae ay sumusunod sa pang-aakit ni shaytaan.

Kung ganoon, una ay paalalahanan natin ang mga kababaihan na nararahuyo sa make-up. Pangalawa, paalalahanan natin ang mga tagapangalaga ng kababaihang ito tulad ng kanilang ama, o asawa, o kapatid na lalaki, dahil sinabi ng Propeta (‘alayhi ssalaat wa ssalaam) : ‘Ang bawat isa sa inyo ay pastol at bawat isa sa inyo ay may pananagutan sa kanyang kawan. Kaya ang lalaki ay pastol at siya ay may pananagutan sa kanyang kawan-’[1] hanggang sa katapusan ng hadeeth. Kaya, ang Arabic o pangkalahatang salawikain ay nagsabi: ‘Ang kabayo ay mula sa hinete.’ Kaya ikaw, na asawa ng babae, hindi ipinahihintulot sa iyo na payagan mo siya na lumabas ng bahay na ganito ang kanyang kalagayan na magbibigay ng pagsubok sa mga kalalakihan na nasa kalagitnaang gulang , lalo na sa mga kabataan! At ikaw, O lalaki, O ama, O kuya, ay dapat na manibug. Bakit? Dahil ang Propeta (sallAllaahu ‘alayhi wa aalihi wa sallam) ay nagsabi: ‘Ang duyyooth ay hindi makakapasok ng Paraiso.’[2] Bakit? Sino ang duyyooth? Siya iyong hindi binabantayan ang kababaihan na kanyang nasasakupan ng may lakip na pagseselos.”

********

[Ni: Shaykh al-Albaani |Source: silsilat ul-hudaa wa nnoor – the series of guidance and light – tape no. 697|Courtesy of: Asaheeha Translations] Footnotes: [1] Saheeh al-Bukhaari # 893 [2] Saheeh at-Targheeb # 2071


Recent Posts

See All

Komentarze


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page