top of page

Sa kadahilanang npakaraming nag-aangkin na sila ay nsa tamang Aqeedah ng Islam,at sinasabing sila ay

  • Ust. Rasheed Sasuman Nantiza
  • Jan 15, 2017
  • 2 min read

Ang mga mahahalagang KATANGIAN ng Ahlu sunnah Wal jama'ah ay ang mga sumosunod:

1- Ang pinagmumulan ng kanilang Aqeedah ay ang Qur'an at Sunnah ng Propeta Muhammad (sallAllahu alaihi wa sallam).

2-Sila ay lubusang sumusuko sa mga Nababanggit sa Qur'an at sunnah na kung saan ay hindi nila ito sinasalungat kailanman sa pamamagitan ng kahit anung bagay. (hindi katulad ng ibang Aqeedah na kapag salungat sa utak ang nabanggit sa Qur'an at sunnah ay nerereject nila ito at inuuna ang utak nila).

3-Tinatanggap nila ang Lahat ng nabanggit sa Qur'an at sunnah at pina-niniwalaan nila ang lahat ng nsa loob nito. Na walang exemptions. (hindi katulad ng ibang aqeedah na pinipili lng ang gusto nila).

4-Kung sakaling nagkasalungat ang utak ng tao at ang nabanggit sa Qur'an at sunnah ay inuuna nila ang Qur'an at sunnah, at pagbibintangan nila ang utak na ito ay hindi nkaintindi ng maaus. (Hindi katulad ng iba na inuuna nila ang utak at binabaliwala ang Qur'an at sunnah)

5- Lubos nilang pinaniniwalaan na ang Islam ay kompleto na at hindi na tatanggap pa ng dagdag at bawas.

6- Mahigpit silang nagbabawal sa Bid'ah at iniiwasan nila ang mga taong gumagawa nito. (Hindi sila nakikipagplastikan sa mga nagtataglay ng Maruming Aqeedah, tulad ng Shia at khawarij (Ang ISIS).

7-Sila ay lubusang naniniwala na ang pinakamainam sa ummah na ito ay ang Salaf na mabubuti mula sa mga Sahabah,Tabi'een at Ang kasunod nilang henerasyon.

8-Sila ay palagiang nsa gitnah ng paniniwala na kung saan ay Hindi kulang at Hindi sobra. (Hindi katulad ng mga kristyano na somobra sa pagpuri kay Hesus na naging dahilan ng pagsamba nila sa knya, at hindi rin tulad ng Mga Hudyo na kumulang sa pagtrato kay Hesus na naging dahilan ng pagkamuhi nila sa kanya.)

9-Sila ay Nagkakasundo at nagkakaisa sa pagtanggap ng Katotohanan. (Hindi katulad ng mga Khawarij,shia,sufiy,etc. Sila ay nagkawatak-watak sa paniniwala,na ito ay malalaman ng nkakaalam sa kanilang Aqeedah).

10- at Kanilang pinaniniwalaan na wala ng taong magtataglay ng 'Esmah o Banal at hindi nagkakamali at nagkakasala ng malaking kasalanan Pagkatapos ng Propeta Muhammad SallALlahu Alaihi Wa Sallam. (Hindi tulad ng shia na ang kanilang 12 imams daw ay sinless at infallible o Banal at hindi nagkalamali.)

#Allahu A'lam


Recent Posts

See All

Comments


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page