top of page

Ano po yung tinatawag na TAHIYYATUL MASJID? at ano po ang daleel o batayan natin doon?

  • Jalil Divino
  • Jan 15, 2017
  • 1 min read

Ang Tahiyyatul masjid ay ang dalawang rak'ah na dasal na isasagawa ng sinumang papasok sa masjid, at ito ay bilang pagbibigay galang o kagandahang asal sa pagpasok sa bahay ng Allah.

ito ang isa sa mga batayan ng pagsasagawa natin ng tahiyyatul masjid:

عَنْ أَبِي قَتَادَةَ بْنَ رِبْعِيٍّ الْأنْصَارِيِّ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "إِذَا دَخَلَ أَحَدُكُمْ الْمَسْجِدَ؛ فَلَا يَجْلِسْ حَتَّى يُصَلِّيَ رَكْعَتَيْنِ". صحيح البخاري: (1163).

Si Abu Qatadah ibn Rib`iy Al-Ansari (Kalugdan nawa siya ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Propeta (Sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan ng Allah) ay nagsabi: “Kapag ang isa sa inyo ay pumasok ng Masjid (Bahay dasalan), huwag muna siyang umupo hangga't hindi siya nakakapagsagawa ng Salah na binubuo ng dalawang Rak`ah (Tahiyyatul Masjid)”]. Sahih Al-Bukhari: (1163)

ANG MGA KAPAKINABANGAN SA HADITH:

1. Kabilang sa mga magagandang asal sa pagpasok sa Masjid ay ang pagsasagawa ng isang Muslim ng Salah na binubuo ng dalawang Rak`ah (Tahiyyatul Masjid) bago tuluyang umupo, maging sa araw ng Biyernes o habang isinasagawa ang Khutbah (Talumpati).

2. Kapag inumpisahan na ang sama-samang pagdarasal (o Salatul Jama`ah), dapat sa isang Muslim ay sumabay na sa naturang pagdarasal at hindi na siya magpakaabala para magdasal nang mag-isa.

3. Kailangang bigyang halaga ang Salah na ito bago tuluyang umupo sa loob ng Masjid.


Recent Posts

See All
Ang salah

Ang Katayuan ng Salaah (pagdarasal) at Kahigtan nito: Ang Mga Kahalagahan ng Salaah (Pagdarasal):

 
 
 

Commentaires


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page