top of page

Ustadh tanung ko lang po, kung ikaw ay mag-isa at bumahin ka dapat pa bang sabihin ang ALHAMDULILLAH

  • Muhammad ibn Ismael
  • Jan 14, 2017
  • 1 min read

Sagot: Maaari ring magsabi ng Alhamdulillah pagkatapos bumahin kahit ikaw lang mag-isa. Ang pagbahin kasi ay naglalabas ng mga mikrobyo mula sa katawan. Kaya isa yun sa mga hikmah na kailangang magpasalamat sa Allah, at natural din na sa pagsasabi ng Alhamdulillah ay makakukuha tayo ng gantimpala. Bilang karagdagan, kapag may bumahin at siya’y nagsabi ng ‘Alhamdulillah’ ay sasagutin mo siya ng: YARHAMUKALLAH (يرحمك الله) kung ito ay lalake at YARHAMUKILLAH naman kung ito ay babae, na ang kahulugan ay "Kahabagan ka ng Allah". At ang isasagot naman niya sa iyo ay: YAHDIKUMULLAH WA YUSLIHU BALAKUM (يهديكم الله ويصلح بالكم) : Gabayan kayo ng Allah at lutasin ang inyong mga problema (sitwasyon). Pakatatandaan na ang pagsabi ng ‘ALHAMDULILLAH’ kapag bumahin ay sunnah at hindi wajib. Kapag ang bumahin ay nagsabi ng ‘ALHAMDULILLAH’ ay fardh kifayah ang pagsagot ng ‘YARHAMUKALLAH’. Ibig-sabihin ay maaaring isa lamang ang sumagot at iyon ay sapat na para sa lahat ng nakarinig. Subalit kung ang lahat ng nakarinig ng ‘ALHAMDULILLAH’ pagkatapos niyang bumahin at walang sumagot, lahat sila ay nagkasala. Ganundin naman sa bumahin kapag sinagot siya ng ‘YARHAMUKALLAH’ ay wajib sa kanya na sagutin ito ng ‘YAHDIKUMULLAH WA YUSLIHU BALAKUM’. Ang prosesong ito ay hanggang tatlong beses lamang. Kung lumagpas sa tatlong beses ang pagbahin at pagsabi nito ng ‘ALHAMDULILLAH’ ay sunnah na lamang ang pagsagot sa kanya ng ‘YARHAMUKALLAH’ sa ikaapat na pagbahin niya kahit pa siya ay nagsabi ng ‘ALHAMDULILLAH’.


Recent Posts

See All

Comentários


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page