Kung maari po sana pakilinaw ang Mawlidun Nabi at kung ano po ang pamantayan dito, insha Allahu Ta&#
- Muhammad ibn Ismael
- Jan 14, 2017
- 1 min read
Sagot: Ang pagdiriwang ng Mawlidun Nabi (Kapanganakan ng Propeta s.a.w.) ay bid'ah at haram. Kailanman ay hindi ito isinagawa ng Rasulullah s.a.w. o ni isa man sa kanyang mga Sahabah. Ang Rasulullah s.a.w. ay nagsabi: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: (كل بدعة ضلالة وكل ضلالة في النار.) "Qala Rasulullahi sallallahu alayhi wa sallam: Kullu bid-'atin dalalah, wa kullu dalalatin fin nar." "Lahat ng bid'ah ay pagkaligaw at lahat ng pagkaligaw ay sa impiyerno." Ang ibig sabihin ng bid'ah sa Islam ay mga gawain na bago sa mga ibadah (pagsamba) ng mga Muslim sa pamamagitan ng pagdadagdag o pagbawas o pagpalit at iba pa ng walang sapat na batayan mula sa Quran at Hadith at hindi ginawa ng Rasulullah s.a.w. at ng kanyang mga Sahabah r.a. Ang ilang halimbawa ng gawaing bid'ah ay ang pagdiriwang ng kaarawan, ng pasko, ng Valentine’s Day, ng wedding annnivesary at ng patay. Anumang uri ng bid'ah sa Islam ay haram o bawal at dapat na iwanan. Hindi ito tatanggapin ng Allah at may parusa itong kapalit kung hindi magtatawbah ang nagsagawa nito. Sinabi pa ng Rasulullah s.a.w.: "Sinuman ang gayahin niya ang isang grupo ay kabilang siya sa kanila." Ang mga ganitong uri ng mga pagdiriwang ay hindi kabilang sa Islam at nagmula sa mga hindi mananampalataya.
Recent Posts
See AllTANONG: Tama po ba na gamitin ang katawagan na ‘Shaykh’ sa kahit kaninong tao? Lalo na ngayon na ang terminong ito ay palasak na...
Tanong: Ano po ang hukom sa pagdiriwang ng kaarawan ng mga bata at ng taunang anibersaryo ng araw ng kasal? Sagot: Walang ibang...
Ang mga Islaamic centers ay mayroong suliranin na kinakaharap sa pag-aanyaya sa mga hindi mananampalatayang kababaihan upang tanggapin...
Comments