Gaano po ba kaimportante ang salah sa masjid kaysa salah na nasa bahay ka lang? At, ano rin po ba an
- ipoetryart
- Jan 14, 2017
- 1 min read
Sagot: Sadyang napakahalaga ang pagdarasal ng limang beses sa masjid kumpara sa bahay. Ito ay obligado para sa mga lalake na naririnig nila ang adhan mula sa kanilang mga bahay, at malaking kasalanan ang pag-iwan rito dahil nga nabanggit ng Rasulullah na muntik na niyang ipag-utos na ipasunog ang bahay ng mga lalakeng hindi nila itinatayo ang salah ng jamaah sa masjid. Maraming hadith din ang nabanggit tungkol sa mga kalamangan nito sa gantimpala. Kabilang na rito ang bawat hakbang ng iyong paa ay nadadagdagan ang iyong hasanah (kabutihan), at nababawasan ang iyong kasalanan. Ganundin ay nakalalamang ito ng 27 times na gantimpala kumpara sa pagdarasal sa bahay. At, ang taong palaging nasa puso't isip niya ang masjid ay pasisilungin ng Allah sa Huling Araw, sa araw na walang masisilungan maliban lamang sa silong Niya. Ilan lamang po ito sa mga pagpapalang matatanggap ng nagsasalah sa masjid. Ang ilan sa mga maaaring dahilan upang ang lalake ay magsalah sa bahay ay ang mga sumusunod: 1. Kung may sakit siya at di niya kakayaning pumunta sa masjid o di kaya ay mas lalala ang sakit niya. 2. Kapag umuulan lalo na't kung malakas ang ulan. 3. Kapag sadyang napakatindi ng lamig lalo na sa madaling araw. 4. Kapag may panganib na maaring mangyari sa kanya sa pagpunta niya sa masjid. 5. At ilan pang mga bagay na may mahahalagang rason. Huwallahu a'lam bis sawab.
Recent Posts
See AllAng Salaah sa Jumu`ah (Biyernes) Ipinag-utos ng Allah sa araw ng Biyernes sa oras ng Salaah sa Dhuhr ang isang Salaah na isa sa...
May mga taong nagsasagawa ng salah na fard [obligado] ngunit walang ano mang nakatakip sa kanilang mga balikat at iyon ay lalong-lalo na...
Ang Katayuan ng Salaah (pagdarasal) at Kahigtan nito: Ang Mga Kahalagahan ng Salaah (Pagdarasal):
Comentarios