Ang panaginip po ba ay nagkakatotoo?
- Muhammad ibn Ismael
- Jan 14, 2017
- 2 min read
Sagot: Totoo po na kung minsan ang panaginip ay nagsasabi sa atin ng maaaring maganap. Ang mga kuwento ng mga propeta katulad ni Yusuf alayhis salam na binigyan ng Allah ng kakayahan na mag-interpret ng panaginip. Maaari nyong basahin ang Surah Yusuf sa Qur-an para rito. Gayundin si Ibrahim alayhis salam, ang Rasulullah s.a.w. at iba pang propeta. Minsan ay dito pinapadaan ng Allah ang kanyang revelations sa mga propeta. Subalit sa panahon natin ngayon ay bihira na lang mangyari na magkatotoo ang mga panaginip. At hindi kailangan idepende ng tao ang kanyang buhay sa mga nakikita niya sa panaginip. Ang panaginip ayon sa aking nabasa ay tatlong klase: 1. Normal na panaginip: Ito ung panaginip na napapanaginipan ng tao dahil sa madalas niyang iniisip ang isang bagay. Galing ito sa iyong sarili. 2. Masamang panaginip: Panaginip na galing sa shaytan, mga panaginip na hindi magaganda. Hindi ito dapat na ikinukuwento sa iba at marapat na kinakalimutan upang hindi mabagabag. Kapag nanaginip ka ng hindi maganda ay dumura (maliliit na dura lamang) ka sa kaliwa ng tatlong beses at basahin ang "أعوذ بالله من الشيطان الرجيم" {A'udhu billahi minash shaytanir rajim} Pagkatapos ay magpalit ka ng posisyon sa pagtulog. Huwag ikukuwento sa iba ang iyong masamang panaginip at hindi ka nito mapipinsala. Mainam rin na bumangon at magsalah ng dalawang rak'ah na sunnah. 3. Magandang panaginip: Ito ang mga panaginip na naiibigan mo at ito'y galing sa Allah. Kung makapanaginip ka ng maganda ay ikuwento mo sa taong nais mo na may maganda ang dila at maaari mong hingiin sa Allah at umasa na ito ay magkatotoo. Karaniwan ay sa mga may matatag na iman ang nagkakatotoo ang magagandang panaginip.
Recent Posts
See AllTANONG: Tama po ba na gamitin ang katawagan na ‘Shaykh’ sa kahit kaninong tao? Lalo na ngayon na ang terminong ito ay palasak na...
Tanong: Ano po ang hukom sa pagdiriwang ng kaarawan ng mga bata at ng taunang anibersaryo ng araw ng kasal? Sagot: Walang ibang...
Ang mga Islaamic centers ay mayroong suliranin na kinakaharap sa pag-aanyaya sa mga hindi mananampalatayang kababaihan upang tanggapin...
Comentarios