Sino si Jesus sa islam?
- Jalil D.
- Jan 13, 2017
- 2 min read
Una sa lahat, alam niyo po ba na ang islam ang natatanging relihiyon na hindi related sa Christianity at hindi naka batay sa Bible ngunit ito ay nagdidiin na mahalin at igalang si Jesus? walang Muslim ang magiging isang ganap na Muslim kung itatakwil niya si jesus o isa man sa mga propeta at sugo ng Diyos [Allah].
Tanging ang Islam lamang ang nagbibigay ng tunay na pagkakakilanlan ni propeta Jesus sa kung ano ba talaga ang tunay niyang katayuan at katauhan, sapagkat kung tatanungin natin ang mga non-muslims like Christians sasabihin nila; si Jesus ay tao lamang, ang iba naman ay sasagot na si Jesus ay anak ng Diyos, ang iba naman ay sasagot na si Jesus ay ang Diyos, na kung tutuusin ay iisa lamang naman sana ang source nila; ang bible. Ngunit sa kabila nito ay sila-sila din ang nagsasalungatan hinggil sa tunay na katauhan at katayuan ni propeta Jesus sumakanya nawa ang kapayapaan. Ngunit sa IslamL, si Jesus ay isa sa mga dakilang propeta lamang ng Allah na ipinadala sa nasyon ng Israel upang igabay sila at ituro sa kanila ang tamang pagsamba at hindi upang ipangaral sa kanila na siya ay Panginoon. Naniniwala ang mga Muslim na siya ay ipinanganak na walang tatay at na siya ay nakagawa ng mga milagro sa kapahintulutan ng Allah na siyang nagpadala sa kanya. Ilan sa mga milagrong ito ay ang npagpapagaling niya sa mga may sakit, nakapagpabuhay ng patay,atbp. Himala na nagawa niya, ngunit hindi yaon sa ganang mula sa kanya bagkus mula yaon sa kapahintulutan ng Allah. Kaya ang mga msulim ay naniniwala kay Jesus bilang isang dakilang propeta ng Diyo [Allah], minamahal, iginagalang at sinusunod siya ng mga Muslim sumakanya nawa ang kapayapaan.
sinabi ng Allah sa banal na Quran:
"171. O Angkan ng Kasulatan, huwag kayong gumawa ng kalabisan sa inyong relihiyon o magsabi ng anumang tungkol sa Allah maliban ang katotohanan. Ang Mesiyas [na si Hesus], anak ni Maria, ay isang Sugo ng Allah at Kanyang Salita na Kanyang iginawad kay Maria at isang kaluluwa [na nilikha sa pag-uutos] mula sa Kanya. Kaya maniwala kayo sa Allah at sa Kanyang mga Sugo. Huwag kayong magsabing: “Tatlo!” (trinidad), magsitigil kayo! Ito ay higit na makabubuti para sa inyo. Katotohanan ang Allah ay [tanging] isang Diyos, Luwalhati sa Kanya [Siya ay Kataas-taasan] sadyang malayo sa pagkakaroon ng anak na lalaki. Sa Kanya ang [pagmamay-ari ng] anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. At ang Allah ay sapat na bilang Tagapangasiwa [para sa lahat ng mga pangyayari]. 172. Kailanman ay hindi magagawang hamakin [di-pahalagahan] ng Mesiyas ang pagiging isang alipin ng Allah, at maging ang mga anghel na malalapit [sa Allah]. At sinumang humamak [di-nagpahalaga] ng pagsamba sa Kanya at siya ay mapagmalaki - sila ay Kanyang titipuning lahat sa Kanyang [Sarili]."
[Quran 4:171-172]
at maging sa bible po ay mababasa natin na mismo si Jesus ang mismong nagsabi na hindi siya makagagawa ng anuman sa kanyang sarili lamang,
John 5:30
"Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko'y matuwid; sapagka't hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin."
Recent Posts
See AllAng mga hindi naniniwala ay hindi makakapag-bigay ng kapani-paniwalang rason para ipalawanag ang pagkakaroon ng sandaigdigan o ng buhay...
IGNORANCE o ang kamangmangan sa sariling relihiyon ang siyang pinakamalubhang problema ng ating henerasyon. sinabi ng Allah: ". At huwag...
Kung history po ang ating pagbabasihan ng word for word, ay masasabi po nating nauna ang Christianity, ngunit kung ang diwa po ang ating...
Comments