Bawal daw ang BF/GF sa Islam? bakit saan ba sinabi ng Allaah na bawal ang BF/GF sa islam?
- Jalil D.
- Jan 13, 2017
- 2 min read
IGNORANCE o ang kamangmangan sa sariling relihiyon ang siyang pinakamalubhang problema ng ating henerasyon. sinabi ng Allah: ". At huwag ninyong lapitan [at inyong iwasan] ang pangangalunya [bawal na pakikipagtalik]. Katotohanan, ito ay kahalayan at napakasamang landas." [Quran 17:32]
Ito ang kainaman ng Allah sa pagbabawal, sinabi po niya na "huwag ninyong lapitan" it means na kahit anong paraan na maaaaring maghantong sa PANGANGALUNYA o illegal na relasyon o pakikipagtalik ay dapat nating iwasan, at tandaan na ang pag BF at GF ay hindi malayong magkaroon ng communications between two opposite gender hanggang mahantong sa paglalambingan at paghahawakan, sinabi ni propeta muhammad peace be upon him "mas pipiliin ko pang matusok ang aking ulo ng isang bakal o karayom kaysa sa humawak sa isang babae na hindi ko MAHRAM [hindi ka ano-ano]". well now, did they think na halal ang BF/GF? haram is haram, tayo ang mag a adjust para sa islam at hindi po ang islam ang mag-a adjust para sa atin.
at may dalawang kahulugan po ang BF at GF... yung literal na pagkakaibigan at yung ka-IBIGan (in relationship or more than friends) ngunit kahit saan pa mang kahulugan ang ating tingnan ay mapupunta pa rin po ito sa haram, note that the voice of women is an AWRAH po, may isang mufti ang nagbigay ng hukom na kahit ang fiancee ng isang babae ay marapat na umiwas na tumawag sa kanya directly (through phone) sapagkat sila ay hindi pa legally married so how much more po yung casual lang na pag-uusap? at maaaring ito rin ang maging daan upang mahulog sila sa fitnah lalo pat ang kabataan po natin sa ngayon ay mahihina at prone sa fitnah lalo na po sa zina o pangangalunya. maliban na lamang ang pakikipag-usap na may valid reason gaya po kung pang educational or for the sake of knowledge or clarification ay maaari pa, ngunit ang casual na pag-uusap ng opposite sex ng hindi mag mahram ng walang sapat na dahilan ay marapat po nating iwasan. Allah knows best.
Recent Posts
See AllTANONG: Tama po ba na gamitin ang katawagan na ‘Shaykh’ sa kahit kaninong tao? Lalo na ngayon na ang terminong ito ay palasak na...
Tanong: Ano po ang hukom sa pagdiriwang ng kaarawan ng mga bata at ng taunang anibersaryo ng araw ng kasal? Sagot: Walang ibang...
Ang mga Islaamic centers ay mayroong suliranin na kinakaharap sa pag-aanyaya sa mga hindi mananampalatayang kababaihan upang tanggapin...
Comments