Sino ang Founder ng Islam?
- Jalil D.
- Jan 12, 2017
- 1 min read
Ang islam po ay relihiyong nagmula mismo sa Diyos [Allah] kaya kung may founder man ito ay walang iba kundi ang Diyos, sinabi ng Allah“Sa Araw na ito, Aking ginawang ganap ang inyong relihiyon para sa inyo, ginawang lubos ang Aking pagpapala sa inyo at ikinalugod [na pinili] para sa inyo ang Islam bilang inyong relihiyon..” Quran [5:3] at kanya pang sinabi: "Katotohanan, ang [tanging] relihiyon [Deen]10 sa [paningin ng] Allah ay ang Islam. At yaong mga pinagkalooban ng [Banal na] Kasulatan [ang mga Hudyo at Kristiyano] ay hindi nagkaiba malibang pagkaraang dumating sa kanila ang kaalaman – na nagbunga ng [matinding] paninibugho sa kanilang pagitan. At sinuman ang di-naniwala sa mga ayaat [kapahayagan] ng Allah, katotohanan, ang Allah ay Maagap sa pagtutuos [ng mga gawa]" [Quran 3:19. May ibang nagsasabing si Propeta Muhammad daw ang founder ng Islam ngunit ito ay malaking kamalian, sapagkat siya ay tanging propeta lamang at ni minsan ay hindi niya ito inako at sinabing siya ang nagtatag ng islam, siya ay tanging nagpatuloy lamang sa mga nasimulan ng mga naunang mga propeta kaysa sa kanya. bawat heneration o nation ay may mga propetang ipinapadala ang Panginoon upang igabay ang kani-kanilang sambayanan at may kanya kanya silang layunin ngunit iisa lang ang kanilang mensahe at iyon po ay ang ituro at igabay ang tao sa pagsamba sa nag-iisa at tunay na Diyos ang Allah. the almighty said: "47. At sa bawa’t pamayanan ay [may] isang sugo; kaya kapag ang kanilang sugo ay dumating, [anumang bagay] ay hapan sa kanilang pagitan nang makatarungan, at sila ay hindi gagawan ng kamalian.." (Qur'ân 10:47)
Recent Posts
See AllAng mga hindi naniniwala ay hindi makakapag-bigay ng kapani-paniwalang rason para ipalawanag ang pagkakaroon ng sandaigdigan o ng buhay...
IGNORANCE o ang kamangmangan sa sariling relihiyon ang siyang pinakamalubhang problema ng ating henerasyon. sinabi ng Allah: ". At huwag...
Kung history po ang ating pagbabasihan ng word for word, ay masasabi po nating nauna ang Christianity, ngunit kung ang diwa po ang ating...
Comentarios