Ngunit si jesus ay ang the way, truth and life, ganun din ba sa inyo?
- ipoetryart
- Jan 12, 2017
- 1 min read
Sa islam, kami po ay naniniwala na ang lahat ng mga sugo na ipinadala ng panginoon ay ang KATOTOHANAN, sapagkat sila ang inatasan ng Diyos na ituro ang katotohanan sa kanilang sambayanan, at sila din ang DAAN sapagkat sila ang inatasan ng panginoon na maggabay sa kanilang sambayanan, at ang BUHAY sapagkat kung sinuman ang sumunod sa kanila ay maliligtas, at walang makakapunta sa nag iisang panginoon maliban sa kanila, kung sino ang sumunod ay maliligtas at ang hindi maniniwala ay hindi maliligtas, sinabi ni Allah sa banal ng Quran: And for every nation is a messenger. So when their messenger comes, it will be judged between them in justice, and they will not be wronged. (Quran 10:47)
Ang dinalang mensahe ng lahat ng mga Propeta sa kani-kanilang pamayanan ay Isa – ito ay ang pagsamba sa Dakilang Allah lamang na walang pagtatambal nang anupaman sa pagsamba sa Kanya at ang lubusang pagtakwil [at pagtalikod] sa lahat ng mga diyus-diyusan. Katotohanan, ito ang tunay na kahulugan ng pagpapahayag [at pagsaksi] ng Laa ilaaha illallaah (walang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah) at Muhammad Rasulullaah (si Muhammad ay Sugo ng Allah), at ito ang salita na siyang nagsisilbing daan upang makapasok ang sinuman sa relihiyon ng Allah – [ang Islam].
Recent Posts
See AllAng mga hindi naniniwala ay hindi makakapag-bigay ng kapani-paniwalang rason para ipalawanag ang pagkakaroon ng sandaigdigan o ng buhay...
IGNORANCE o ang kamangmangan sa sariling relihiyon ang siyang pinakamalubhang problema ng ating henerasyon. sinabi ng Allah: ". At huwag...
Kung history po ang ating pagbabasihan ng word for word, ay masasabi po nating nauna ang Christianity, ngunit kung ang diwa po ang ating...
Commentaires