Bakit balik islam ang tawag sa pumapasok sa Islam?
- Jalil D.
- Jan 12, 2017
- 1 min read
Sa islam po, malinaw na sinabi ng huling sugo na si Muhammad na ang bawat sanggol na ipinapanganak ay na sa likas na pagsunod sa kanyang panginoon, in short, muslim po siya, sapagkat ang kahulugan ng salitang muslim ay ang sumusunod sa kalooban ng Diyos, ngunit, sa kabila ng likas na pananampalataya nila, ang pananampalataya ng kanilang mga magulang ay namamana nila, ang kanilang magulang ang siyang nagpabago ng pananampalataya nila, maaring mapansin niyo po ano, kapag ang isang sanggol ay bibinyagan sasabihin ng pari, sa araw na ito ikaw ay isa ng kristiyano! so kung sa time ng pagbinyag niya lamang siya naging kristiyano, so, ano siya before? ang sagot po dito ay isa siyang muslim o isa siyang nilikha na sumusunod at may likas pang paninwala sa tunay at nag-iisang tagapaglikha ang Allah, isang batang dalisay at sumusunod sa kalooban ng dakilang Diyos, so kapag pumasok ang isang tao sa islam, hindi siya magpapalit ng religion bagkus babalikan niya lamang ang dati niyang pananampalataya mula pa noong siya ay isilang, na naiwan niya lamang bhuhat sa kanyang mga magulang, sinabi ng sugo ng Allah: :Ang bawat sanggol na isinilang ay na sa kalagayan ng FITRAH o likas na pananampalataya at dalisya na puso na handang tumanggap ng katotohanan, subalit ang kanyang mga magulang lamang ang nagpahudyo sa kanya, nagpa-kristiyano at nagpamgo" kaya yan po ang dahilan kung bakit tawag po sa kanila ay balik islam.
Recent Posts
See AllAng mga hindi naniniwala ay hindi makakapag-bigay ng kapani-paniwalang rason para ipalawanag ang pagkakaroon ng sandaigdigan o ng buhay...
IGNORANCE o ang kamangmangan sa sariling relihiyon ang siyang pinakamalubhang problema ng ating henerasyon. sinabi ng Allah: ". At huwag...
Kung history po ang ating pagbabasihan ng word for word, ay masasabi po nating nauna ang Christianity, ngunit kung ang diwa po ang ating...
Comments