Ano ang Quran?
- Jalil D.
- Jan 12, 2017
- 1 min read
Ang Quran ay siyang huling kapahayagan na ipinadala ng Diyos [Allah], ang Diyos ay nagpapadala ng mga mensahero o sugo sa ibat ibang henerasyon kung saan ang mga tao ay nalulung sa kasamaan at kaligawan, at may mga piling sugo na pinadalhan ng mga kasulatan o kapahayagan, at sa tuwing naglalaho ang mga propetang yaon ay unti unti ding nasisira ang mga naiwan nilang kapahayagan dahil na rin sa pagmamanipula ng mga tao; pagdagdag at pagbawas dito. Kaya kapag naglalaho ang kasulatan ay nagpapadala ang Allah ng panibago na siyang magpapatuloy sa nasimulan ng naunang mga kasulatang ipinadala.
Ang mga kasulatan po na yaon ay ang SUHUF o ang kalatas na ipinagkaloob kay propeta Abraham, at ang Zabor o Salmo kay propeta David at ang Torah na kay propeta Moises at ang INJEEL o Ebanghelyo na kay propeta Jesus at ang Quran na pinakahuling kasulatan na ipinagkaloob kay propeta muhammad sumakanilang lahat nawa ang habag at kapayapaan ng Allah.
Recent Posts
See AllAng mga hindi naniniwala ay hindi makakapag-bigay ng kapani-paniwalang rason para ipalawanag ang pagkakaroon ng sandaigdigan o ng buhay...
IGNORANCE o ang kamangmangan sa sariling relihiyon ang siyang pinakamalubhang problema ng ating henerasyon. sinabi ng Allah: ". At huwag...
Kung history po ang ating pagbabasihan ng word for word, ay masasabi po nating nauna ang Christianity, ngunit kung ang diwa po ang ating...
Comments