Ano ang Muslim?
- Jalil D.
- Jan 12, 2017
- 1 min read
Kung ang ibig sabihin ng Islam po ay ang pagsunod pagsuko at pagtalima, ang MUSLIM naman po ay malapit din sa kahulugang ito sapagkat ang salitang ISLAM at MUSLIM ay nagmula lamng sa iisang salita, yun nga lang, ang salitang muslim ay nasa DOER form po siya, it means, siya po ang nagsasabuhay at nagsasagawa sa kung ano ang layunin o katuruan ng Islam. marami ang nag-aakala na ang muslim ay isang taong isinilang mula sa mga magulang na muslim, o di kaya, isang taong isinilang sa bansang Islamiko, ang lahi, kulay, tribo, angkan o pangalan ay hindi batayan upang ang isang tao ay matawag na muslim. Ang muslim ay ang nilikha ng dakilang tagapaglikha o allah sa arabic na sumusunod, sumusuko at tumatalima sa kanyang mga kautusan. so, sa madaling sabi, matatawag po nating isang muslim ang isang nilikha kung siya ay susunod, susuko at tatalima sa kautusan at kalooban ng dakilang tagapaglikha.
Recent Posts
See AllAng mga hindi naniniwala ay hindi makakapag-bigay ng kapani-paniwalang rason para ipalawanag ang pagkakaroon ng sandaigdigan o ng buhay...
IGNORANCE o ang kamangmangan sa sariling relihiyon ang siyang pinakamalubhang problema ng ating henerasyon. sinabi ng Allah: ". At huwag...
Kung history po ang ating pagbabasihan ng word for word, ay masasabi po nating nauna ang Christianity, ngunit kung ang diwa po ang ating...
Comentarios