Ano ang Islam?
- Jalil D.
- Jan 12, 2017
- 2 min read
sa panahon po natin sa ngayon, isa po ang islam sa mga religion na kung saan ay misinterpreted.
ibig sabihin po nito ay mali ang pag aakala at pang unawa ng karamihan sapagkat akala nila na ang islam ay relihiyon ng kasamaan o terorismo.
subalit kung bibigyan lamang nila ng pagkakataon ang kanilang mga sarili na pag-aralan ang katuruan, kahulugan at layunin ng islam ay malalaman nilng ang kasamaan ay walang puwang sa islam.
so, ito po ang islam. ang islam po ay isang arabik na kataga na nagmula sa root word na SILM o SALAM, ang silm po ay arabic na word na kung sa literal nitong kahulugan sa wikang tagalog ay kapayapaan.
so dito palamang po ano ay mapapansin na nating sa kahulugan palamang ay talagang hindi kaguluhan ang layunin ng islam bagkus ay ang paghahatid mg kapayapaan, saan ka nga ba naman makakakita ng isang BAKERY pagkatapos ang ibinibenta ay construction material? di po ba? kung ano ang titulo ng iyong business ay dapat yun din ang layunin mong ialok, tama po ba?
subalit sa makarelihiyosong pagpapakahulugan o sa islamikong pagpapakahulugan, ang islam po ay ang PAGSUNOD, PAGSUKO ata PAGTALIMA sa kautusan at kalooban ng dakilang tagapaglikha na kung sa arabic ay ALLAH. so ang islam po ay hindi hinango sa basta pangalan bagkus ito po ay PANDIWA o sa madaling salita ay tumutukoy sa kilos gawa o layunin.
ang islam po ay ginagabay niya ang tao sa dereksyon tungo sa nag-iisang tagapaglikha... ginagabay niya ang tao tungo sa tamang pamamaraan ng pagsamba sa nag-iisang tagapaglikha
kaya masasabi po naming ang islam ay hindi lang basta relihiyon bagkus ito ay isang kumpletong panuntunan ng buhay. so iyan po ang islam.
Recent Posts
See AllAng mga hindi naniniwala ay hindi makakapag-bigay ng kapani-paniwalang rason para ipalawanag ang pagkakaroon ng sandaigdigan o ng buhay...
IGNORANCE o ang kamangmangan sa sariling relihiyon ang siyang pinakamalubhang problema ng ating henerasyon. sinabi ng Allah: ". At huwag...
Kung history po ang ating pagbabasihan ng word for word, ay masasabi po nating nauna ang Christianity, ngunit kung ang diwa po ang ating...
Comments