top of page

ano ang ibig sabihin ng Allah?

  • ipoetryart
  • Jan 12, 2017
  • 1 min read

Ang salitang Allah ay wikang arabik, at para sa mga arabo at hindi mga arabo, muslim man o hindi, na nakakaunawa ng wikang arabik, ang salitang ito ay tumutukoy bilang pantangi at walang katulad na pangalan ng Tunay at Iisang nararapat na pag-ukulan ng dalisay na pananampalataya at pagsamba kaakibat ng pagpapasakop, pagsuko at pagtalima sa kanyang mga Batas at Kautusan. Kung ang salitang ito ay isasalin sa ibang wika tulad ng wikang Pilipino o Ingles, tunay na hindi makararating ang sinumang makababasa sa tunay kahulugan na nais nitong (Allah,bilang salita) iparating. Malimit nating makita sa mga pagsasalin ng mga artikulong pang-Islam na kapag isinalin ang salitang Allah ito ay nagiging Diyos sa wikang Pilipino, at God naman sa wikang Ingles. Gayunman, ang pagtatangkang ito sa pagsasalin ay isa o kabilang lamang sa mga posibleng pamamaraan upang madaling matukoy kung sino o kanino nauukol ang salita subalit hindi nangangahulugang iyon na ang eksaktong kahulugan nito. Ito ay sapagkat kailanman ay hindi maaaring isalin sa ibang wika ang salitang Allah, gayundin ang iba pang mga termino na ginagamit ng Islam sa pagpaparating nito ng kanyang mensahe sa sangkatauhan. Higit na makabubuting unawain na lamang ang salita sa tunay at wastong kahulugan nito na mismong ang Islam din ang magpapaliwanag sa pamamagitan ng mga pinagtibay na mga ebidensiya o pagpapatunay tulad ng Quran at Sunnah o Tradisyon ng Propetang si Muhammad, sumakanya ang kapayapaan.


Recent Posts

See All
Ano ang layunin ng ating Buhay?

Ang mga hindi naniniwala ay hindi makakapag-bigay ng kapani-paniwalang rason para ipalawanag ang pagkakaroon ng sandaigdigan o ng buhay...

 
 
 
Ano ang nauna Islam o Christianity?

Kung history po ang ating pagbabasihan ng word for word, ay masasabi po nating nauna ang Christianity, ngunit kung ang diwa po ang ating...

 
 
 

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page