top of page

"Zina" [Pangangalunya]

  • By: Jalil D.
  • Jan 11, 2017
  • 1 min read

Napakaikling kaligayahan, Ilang minutong kahalayan, Ilang dangal ang nasiraan, Buhat sa sariling kayamuan, Hindi kasalanan ang umibig, Kung sa tamang lugar ititindig, At sa tamang panahon ikakabig Ang tinatawag mong pag-ibig, Niligawan ka niya dahil mahal ka, At sa kanya din naman ika’y sumisinta, Anong hinihintay at pinapatagal pa, Ang relasyon niyong zina o pangangalunya? Labis ang biyayang ikinaloob niya sa atin, Sa sambuntong grasya’y hindi tayo binitin, Ba’t sa kabila nito’y na ako pang suwayin, Ang nagkaloob at inabuso ang mahabagin, Maghanap ng lalaking hindi mo pagsisisihan, yung iibigin ka sa kalungkuta’t kasiyahan, lalaking aalukin ka ng kasal at hindi kasalanan, Yung aakay sayo sa kabutiha’t hindi kasamaan.


Recent Posts

See All
"Husga"

Sadyang ang bawat isa’y may likas na kahinaan, Karaniwang may lamang at may tinatapakan, Kung may kahirapan, tiyak na may kaginhawaan, ...

 
 
 
"Kuliglig sa Isang Gabi"

Nakikinig ang mata sa mga pangyayaring nagaganap, Laganap na karahasan at kaguluhang hinaharap, Tila lunday sa gitna ng sigwa ang...

 
 
 
"Ina"

Dati sa kanya ika’y tanging pangarap, sa kanyang mga mata kasabika’y lasap, noong una mong dating ika’y hanap-hanap, at inaasam-asam...

 
 
 

Σχόλια


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page