"Kuliglig sa Isang Gabi"
- By: Zao Buludan
- Nov 26, 2016
- 1 min read
Nakikinig ang mata sa mga pangyayaring nagaganap, Laganap na karahasan at kaguluhang hinaharap, Tila lunday sa gitna ng sigwa ang lupong di matanggap, Wagayway ang bandilang Isang Diyos ang pinapalaganap. Kamataya'y sing tamis ng pulot pukyotan oh sa kanilang maiilap! Sa kaaway sila'y lilipuling lahat gamit ay pambihirang sandata't kasangkap. Subalit sa kanilang Bathala silay mga buhay at sa Kanyang Lingap, Mga berdeng ibong mga pugad ay aranya sa luklukan ng kataas taasang Tagapagpaganap. Gaano man kadilim ang gabi'y di maikukubli ang mga bituin, Gaano man kaliwanag ang umagay di makikita ang itim na langgam sa batong maitim, Pantas ay nahati sa dalawang ilog at di mo malaman kaninong sagwan ang tutuparin, Sila bang di dinig ang yanig na nagsisilbi lamang sa kanilang tungkulin? Nagsabwatan na ang mga hari at mga prayle, mga pari at mga di nag susuri, Huwad na larawa'y nailathala sa bawat lawa ng mga mapagkubli, Dikta ng mga nasa gintong bulwagan sa pook ng mga mapanirang puri, Di maitatanging narinig na ng mga binging kapanalig at mga bulag na walang pakiwari. Wika ng kalayaan ay mauunawaan sa salita ng panahon, Lumisan na ang bukas at darating pa ang kahapon, Salinlahi nati'y tulad ng punong tuyo na ang dahon, Lulubog na ang araw sa bukang liwayway at sa dako pa roon.
Recent Posts
See AllSadyang ang bawat isa’y may likas na kahinaan, Karaniwang may lamang at may tinatapakan, Kung may kahirapan, tiyak na may kaginhawaan, ...
Napakaikling kaligayahan, Ilang minutong kahalayan, Ilang dangal ang nasiraan, Buhat sa sariling kayamuan, Hindi kasalanan ang...
Dati sa kanya ika’y tanging pangarap, sa kanyang mga mata kasabika’y lasap, noong una mong dating ika’y hanap-hanap, at inaasam-asam...
Comments