"Ina"
- By: Jalil D.
- Nov 16, 2016
- 1 min read
Dati sa kanya ika’y tanging pangarap, sa kanyang mga mata kasabika’y lasap, noong una mong dating ika’y hanap-hanap, at inaasam-asam na ika’y makayakap, Lahat ay tiniis mula sa pagdadalang-tao, hanggat ng mailuwal patuloy ang sakripisyo, oras niya sa paghipig ay ibinigay sa iyo, Nang mahimbing mong pagtulog ay hindi magulo, Lahat ng kahirapa’y kanyang pinagdaanan, pagluwal sa iyo’y hinarap ang kamatayan, lahat nasasabik na ika’y masilayan, samantalang sa pag-iri siya’y nahihirapan, Buhat ng ikaw sa kanya ay itabi, Lahat ng hirap ay biglang napawi, Mga pinagdaanang maaaring ikasawi, napalitan ng kagalakan at mga ngiti, May hihigit pa nga ba sa isang ina, Sakripisyo’t paghihirap hindi alintana, Mapabuti ka lang anak sa kanya’y sapat na, Kahit isusubo sa sarili sayo’y ibibigay pa. Sa mga sakripisyo’y walang hininging kapalit, Siya’y nagmistulang guro, yaya’t sa dumi mo’y tagaligpit, Paghihirap niyang yao’y walang katumbas o kapalit, Kaya’t ikaw nawa anak sa kanya’y laging magpakabait.
Recent Posts
See AllSadyang ang bawat isa’y may likas na kahinaan, Karaniwang may lamang at may tinatapakan, Kung may kahirapan, tiyak na may kaginhawaan, ...
Napakaikling kaligayahan, Ilang minutong kahalayan, Ilang dangal ang nasiraan, Buhat sa sariling kayamuan, Hindi kasalanan ang...
Nakikinig ang mata sa mga pangyayaring nagaganap, Laganap na karahasan at kaguluhang hinaharap, Tila lunday sa gitna ng sigwa ang...
Comments