"Husga"
- By: Aljaid Ibnu Yacoob
- Jan 11, 2017
- 1 min read
Sadyang ang bawat isa’y may likas na kahinaan, Karaniwang may lamang at may tinatapakan, Kung may kahirapan, tiyak na may kaginhawaan, Gaya ng may kasaganaan at may kakulangan, Ang mundo ay tiyak na puno ng tukso, At bawat tao’y may kanya-kanyang istilo, Kung paano mo tatahakin ang paglalakbay mo, Patungo sa Allah, na lumikha sa iyo, Marahil ay sawa kana sa mga taong mapanghusga, At dalang-dala na sa kanilang mga pangungutya, Masama ang loob sa bawat araw na lumipas, Dahil tanging pakay nila ay ang makitaan ka ng butas. Ang iba ay nilalait ang iyong abilidad, Dahil pag - iisip mo ay di akma sa iyong edad, Kapag ika'y may sinasabi iba’y di nakikinig, Dahil may diperensya daw sa iyong labi o bibig, Bulag kaman o may likas na kakulangan, Di yan dahilan upang sumuko na lamang, Sa hamon ng buhay dapat ay maging matapang, At sa tukso ng mundo ay huwag pa-iilang, Kung Pilay kaman o hirap makalakad, Huwag kang matakot at laging umusad, Ang iyong kapansanan ay hindi bagabag, ipakitang sa husga nila ika’y di matitibag, Sa panghuhusga ng iba'y huwag kang bibigay, At sa iyong paligid ay maraming gumagabay, Dahil minsan kung sino pa ang walang kamay, Sila pa ang nagkakamit ng tunay na tagumpay, Bawat nilalang ay may karapatan, Na dapat mahalin at pangalagaan, Kung sila man ay may kakulangan, Isiping Tao din sila na nasaksaktan, Sa mga makakabasa ng tula kong ito, Nawa ang mensahe ko'y maunawaan niyo, At bago ka manghusga’y dapat isipin mo, Kung may masasaktan sa mga sasabihin mo,
Recent Posts
See AllNapakaikling kaligayahan, Ilang minutong kahalayan, Ilang dangal ang nasiraan, Buhat sa sariling kayamuan, Hindi kasalanan ang...
Nakikinig ang mata sa mga pangyayaring nagaganap, Laganap na karahasan at kaguluhang hinaharap, Tila lunday sa gitna ng sigwa ang...
Dati sa kanya ika’y tanging pangarap, sa kanyang mga mata kasabika’y lasap, noong una mong dating ika’y hanap-hanap, at inaasam-asam...
Comments