"Manang Kasalanan"
- Jalil D.
- Sep 24, 2016
- 1 min read
Tila isang anghel buhat ng ako’y iluwal, Mukha sa magulang ngiti ay pantal, sabik ipagkalat aking pagdatal, Panay pasasalamat doon sa may kapal. Nguni’t ano itong sa aki’y inakusa, Isang kasalanang sabi ay minana? Kararating ko lang ako’y dungis na, sa isang kasalanang di ko ginawa. Aking pinagsikapan mamuhay ng marangal, Lahat pinag-ingatan maging aking dangal, Nagbalat ng buto at sa Dios ay nagdasal, ngunit manang kasalanan lang ang tumapal. Makatarungan nga bang ako ay dungisan, at ako’y papanagutin sa di ko kasalanan? saan nga ba nakuha ang ganitong katuruan, upang lapastanganin aking kadalisayan? Ngunit ito nga ba ay suportado ng Libro (Bible), o baka naman ito’y doktrina lang ng tao? sa lumang tipan nakatalang parurusahan tayo, sa sariling kamaliang nagawa sa mundo. Noon tila anghel ba’t ngayo’y inaakusahan, At sa aki’y pinagpipilitan ang manang kasalanan, Ang sabi’y nakatala daw ito sa bagong tipan, aba akala ko bay banal ba’t nagkokontrahan? Ang sabi ng iba “kaya bago nga diba?” ngunit sabi ni kristo kasulatan ay iisa, hanggat ang kalangita’t kalupaa’y mangawala, ni isang kudlit sa kasulata’y di magigiba.
Recent Posts
See AllSadyang ang bawat isa’y may likas na kahinaan, Karaniwang may lamang at may tinatapakan, Kung may kahirapan, tiyak na may kaginhawaan, ...
Napakaikling kaligayahan, Ilang minutong kahalayan, Ilang dangal ang nasiraan, Buhat sa sariling kayamuan, Hindi kasalanan ang...
Nakikinig ang mata sa mga pangyayaring nagaganap, Laganap na karahasan at kaguluhang hinaharap, Tila lunday sa gitna ng sigwa ang...
Comments