"Kinagisnan"
- Jalil D.
- Jul 9, 2015
- 2 min read
Sa mambabasa nawa’y kanyang pag-isipan, Sa bawat pagbasa gamitin ang katalinuhan, Lalo pa’t kung kapalit nito ay siyang kaligtasan, Sapagka’t darati’t darating satin ang kamatayan, Ako’y dating bulag sa pananampalataya, Kinagisnang relihiyon ay aking panata, Tanging sayo lamang ako sasampalataya
Ngunit ito pala’y mali hindi lang halata. Halos buhay ko sayo ay aking ginugol, Kasi nga sa pagsamba ko’y wala namang tutol, hanggang isang araw sakin ay may humatol, sabihin ba namang utak ko’y mapurol, At aking tinanong ba’t mo naman nasabi? ang sakit ng salitang sayong bibig namumutawi, Ako ba sayo’y may atrasong napakalaki? Nang ako’y insultuhin at sakin ay maghiganti? At tugon niya sa akin “yun ang iyong tanungin!” Kamay niya’y nakaturo sa rebultong nakabitin, Sagot ko naman paano ko yan tatanungin? E alam ko naman din na ako’y di sasagutin, At saba’y tugon niya “alam mo pala? Ba’t sa kanya’y patuloy ang iyong pagsamba?” Hingi ka ng hingi sa katulad mong nangangailangan, Dasal ka ng dasal sa taong may dinadasalan. Kaya ako’y namulat at biglang napaisip, Panginoon kung kinilala sarili ay di masagip, Kaya’t nagpatirapa at sa diyos ay nanalangin, Na nawa’y sarong o kamatayan sa kanya ay kunin, Maaari nga bang ang panginoon ay mangailangan? Nang isa pang diyos na siyang kanyang dadasalan? Nang upang sa ganon siya ay matulungan, Mula sa kasamaan ng kanyang tauhan? At doon aking tinanong ba’t sino ba ang iyong sinasamba? Wika niya sakin walang iba kundi ang dakilang ALLAH, Na siyang sinasamba ng nauna pang mga propeta, sa pagtawag ay magkakaiba dahil sa lingwahing dala dala, Si propeta Moises tawag niya sa diyos ay ELOIHIM, Lahat ay itinuro at wala siyang nilihim, pagsamba sa nag-iisang diyos ang kanyang tagubilin, At talikdan ang pagsamba sa diyos na nakabitin, Si propeta Hesus naman sa diyos tawag niya ay ELI, At ang katibayan sa biblia ay nananatili, Noong ipako sa krus bago mamatay ay nagsabi, eli eli lama sabactani? Si Propeta Muhammad naman sa Diyos tawag niya ay Allah, Sa katuruan ay pareha at yun ang pagsamba, Tanging sambahin ang Diyos na nag iisa, At ito’y walang iba kundi ang dakilang Allah, Diyos na walang pangangailangan mula sa kanyang nilikha, Sapagka’t ang diyos ay perpekto maliban kung ito’y gawa gawa, At ako ngayo’y niyakap ang kanyang pananampalataya, Naging isang muslim sa pagkaligaw ay nakawala, Dati kung kinagisnan ngayon ay aking iniwan, At itoy ipinagpalit ko sa katotohanan, Panlalait at Opinyon ng iba’y diko kailangan, Lalo pa’t kung kapalit nito ay siyang kaligtasan.
Recent Posts
See AllSadyang ang bawat isa’y may likas na kahinaan, Karaniwang may lamang at may tinatapakan, Kung may kahirapan, tiyak na may kaginhawaan, ...
Napakaikling kaligayahan, Ilang minutong kahalayan, Ilang dangal ang nasiraan, Buhat sa sariling kayamuan, Hindi kasalanan ang...
Nakikinig ang mata sa mga pangyayaring nagaganap, Laganap na karahasan at kaguluhang hinaharap, Tila lunday sa gitna ng sigwa ang...
Комментарии