top of page

"Belo"

  • Jalil D.
  • May 1, 2015
  • 1 min read

Sa’ming mga kapatid na kababaihan,

Nawa’y wag sayangin inyong kagandahan,

Pagsosout ng belo ay hindi kapansanan,

Upang ito’y ikahiya at tuluyang iwanan.

Takip sa masisilang bahagi ng katawan ay kailangan,

Para sa isang dilag ito’y kanyang karangalan,

Isang dangal na hindi kailanman mababayaran,

Hindi maipagpapalit sa kahit anumang yaman,

Ang di matatawarang handog ng dilag sa kabiak,

Ay hindi ang ganda o ilang tuniladang pilak,

Ang tanging inaasam ng binatilyong payak,

Ang makahanap ng dalagitang ni isa’y wala pang nakahawak.

Kaya naman ang pagbebelo sa dilag ay proteksyon,

Laban sa paninging sa kanila tila’y nanglalason,

Kaya’t upang di bastusin isa lang ang solusyon,

Soutin ang belo kahit saan man paroroon.

Hindi baga nila naisip na mga kababaihan,

Kung sila’y binastos yun ay sa kanilang kasoutan,

At mga binata nama’y hindi sila pagdidiskitahan,

Basta ba’y huwag silang aastang naglalako ng laman,

Ang pagsusuot ng belo ay di lang takip sa sarili,

Pagkat ito sa karamihan ay may maraming silbi,

At kabilang dito’y iwas tukso para sa mga lalaki,

At ng ang mga maybahay ay di na mabighani,

Upang makita ang pagkatao’y maraming basihan,

At isa na rito ay siyang pagtingin sa kasoutan,

Ang babaing marangal sa ganda’y di nakikipagtagisan,

Sa pagkat ang tunay na ganda ay di dapat ipaglantaran,

Ang tunay na ganda ay wala sa salamin,

Wala sa hubog ng katawan o maikling sapin,

Ang ganda’y nasa kalinisan ng puso’t damdamin,

At sa tamang kasoutan gaya ng kay mariyang birhen.

Ang pagsout ng maikli’y di lang lalaki ang masisira,

Kundi maging ang pamilyang namumuhay ng payapa,

Kapag ang mister ay nakatagpo ng iba’t ang ganda ay kita,

Tiyak na damdamin sa asawa nito’y mapipinsala,

Kaya naman ikaw babae alagaan ang sarili,

Takpan ang dapat takpan at ika’y magpakakimi,

Huwag hayaang sa hiwalayan ikaw ang siyang maging sanhi,

Pagka’t magkakapamilya ka’t nawa’y di sayo mangyari.


Comments


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page