"Awitin"
- By: Aljaid Ibnu Yacoob
- Nov 15, 2016
- 1 min read
Alam naman nating mga kamusliman, Ang pakikinig ng awitin ay sadyang kasalanan, Ngunit ito sa ati’y naging magandang libangan, At ginawang sandalan pagdating sa kalunglutan, Palibhasa ang tao'y may kalayaan, Sa paggawa ng kabutihan o kasalanan, Kung nais ang Paraiso’y paglabag ay iwasan, Tulad ng pakikinig ng awiting ating kinasanayan, Sadyang di maiiwasang may mag pasaway Kinahiligan na ang sa Diyos ay sumuway Kahit anong payo pa ang iyong ibigay, Ikaw pang mapapasama dahil sa iyong pag-gabay, Ngunit ito pari’y kanilang isasawalang bahala, At maslalo pa silang gagawa ng masasama, Di inaatubili kung Patago man o halata, Dahil sa kanila’y sila ang laging na sa tama, Sa mga kapatid ko isa ang aking mithiin, Na nawa’y aking payo'y inyong tanggapin, Na kahit paunti-unti ay nawa ating pilitin, At kapatawaran ng Allah sa kanya’y ating hingin.
Comments