"Muslim"
- By: Jalil D.
- Sep 28, 2016
- 1 min read
Mga kapatid ko sa pananampalataya, Ang tawagin kang muslim sayo ito’y biyaya, Pahiwatig nito sa ALLAH ika’y nagpapaubaya, At sa kanya ika’y laging nagpapatirapa, Ang malaking kamalian sa kasalukuyan, Kilalanin ang MUSLIM sa maling kaparaanan, Ang iba’y nagbabasi sa kanilang MAGULANG, Iba nama’y sa SALITA,DUGO’T KAPANGANAKAN, Ang pagiging MUSLIM ay wala sa dugo, Wala sa SALITA’t LAHI ng NINUNO, At kung salita’t lahi lang ang pagbabasihan ng tao, Abay walang ibang muslim kundi mga ARABO, Ito ang dapat ituwid ng sangkatauhan, Kilalanin ang muslim sa tamang kaparaanan, O di kaya’y suriin at alamin ang kahulugan, Nang sa gano’y maintindihan at maunawaan, Ang MUSLIM ay siyang sumusunod,sumusuko’t tumatalima, Kaya’t sa isang muslim yan ang dapat nating makita, May nagsasabing sila’y muslim ngunit HINDI halata, Dahil di NAGDARASAL at NANLOLOKO ng kapwa, Mayroong iilan sa ating mga kapatid, Nagsasabing sila’y muslim ngunit di nila batid, Samo’t saring kahihiyan sa islam ang hatid, Dahil nasanay sa pagsuway kaya’t di nila masid, May iba pa sa ating hindi na nakontento, Kasalanang ginawa’y ipinagmalaki pa sa tao, Tulad ng pagpaskil ng litratong pasabay sa uso, kuha lahat ng anggulo makakuha lang ng KOMENTO, Alam kung sa mensahing ito’y maraming magagalit, At maraming puso ang siyang mamimilipit, Sadyang likas sa tao ang siya’y magalit, Kapag natatamaan sa katotohanang nababanggit, At ang unang paroroonan ng payong ito, Ay siyang aking sarili pagkatapos ay kayo, Karapatan ng bawat isa ang pagpapayo, Kaya’t nasa inyo ang pagtanggap kung muslim kayong totoo. Ang pagsunod ay hindi mo maipagpipilitan, Basta ba’t sa pagpapayo’y huwag ka lang magkulang, At kanya ring mapagtatanto sa kahuli-hulihan, At magsasabing nawa ako’y nakinig na lamang.
Comments