top of page

"Muslimah"

  • By: Aisheen
  • Sep 27, 2016
  • 1 min read

O' muslimah ikaw ay natatangi, Sa kagandahang mukha man o ugali, Kagandahang taglay na iyong ikinukubli, Gamit ang abaya at belo na bilang palamuti, Kung sa iba ikaw ay nakakatawa, Sa pananamit mo na nakatago ang awrah, Hindi MO ito ipinag aalala dhil Alam mong Hindi ikw ang kawawa kundi sila, Hindi man madali ang iyong ginagawa, Lalo na takpan MO ang iyong mukha at mata lng ang iyong ipinapakita, Ngunit Hindi MO ito alintana, D mo rin alintana ang puna ng iba, Na ikaw daw ay Parang kinukulong sa sarili mong gawa Sapagkat Alam mo kung ano ang tama, Qur'an at hadith ng Rasul ang iyong basihan , At Hindi MO pinakikinggan ang tawag ng makamodernong Gawain na ikinasisiya ng iilan, Iyong pinaninindigan, Jannatul Firdaus ang gusto mong puntahan, Sa iba man ikaw ay naiiba Talagang ikaw ay kakaiba Sa eman at taqwa palang Talbog na sila Ang pagsisikap na iyong binibigay Sa Allah mo lamang inaalay O muslimah ikaw ay walang kapantay, Ang munting tula Kong ito gusto ko sayo ialay, Bilang pagsaludo kung paano MO isinasabuhay Ang ISLAM na relihiyon na ginawa Mong patnubay, Sa lahat ng Bagay , Hanggang sa huling hininga ng iyong buhay, La ilaha ilallah muhammadur rasulallah , ang iyong huling sambit na sa ano mang kayamanan sa Mundo ay hinding hindi MO ipagpapalit .


Recent Posts

See All
"Husga"

Sadyang ang bawat isa’y may likas na kahinaan, Karaniwang may lamang at may tinatapakan, Kung may kahirapan, tiyak na may kaginhawaan, ...

 
 
 
"Zina" [Pangangalunya]

Napakaikling kaligayahan, Ilang minutong kahalayan, Ilang dangal ang nasiraan, Buhat sa sariling kayamuan, Hindi kasalanan ang...

 
 
 
"Kuliglig sa Isang Gabi"

Nakikinig ang mata sa mga pangyayaring nagaganap, Laganap na karahasan at kaguluhang hinaharap, Tila lunday sa gitna ng sigwa ang...

 
 
 

Comentarios


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page