top of page

"Tela"

  • By: Ummu Huarayrah
  • Sep 25, 2016
  • 1 min read

Isang dalagita ang maaalaala Tunghayan natin ang kwento niya Batang musmos ngunit ida’y sapat na Upang tama at mali’y kanyang makilala Andres, isang mababang paaralan Bida’y tinatawag sa ibang pangalan Pagtataka ay nasa sa kanya “Abu Sayaf” kung kanilang tawagin siya Halakhakan ay papailanlang Kanilang tigna’y ibang nilalang Maaari bang siya’y inyong pagmasdan Ano bang iba maliban sa kasuotan? Telang bumabalot sa knya’y naging tampulan Ng kanila mga pangungutya at tawanan Pagsunod sa kautusan kailan naging kasalanan? Sa kanilang ibang relihiyo’y ginagalang naman Mga pangyayari malinaw pa sa alaala Mga Muslim nais ipalaganap dala nila Ngunit ano ito sila’y biglang naglaho? Kinuha, hinila, dinala sa malayo Musmos niyang isipan ay nagtataka Sa palabas ay kilala, di naman artista Mga Muslim, nagpapalaganap ng dala Sila ngayon daw ay terorista’t nasa selda Isang umaga sa kaniyang pag-iisa May kumatok, sila’y nagpakilala Jehova ni Cristo, nais magpalaganap ng dala Bakit sila’y malaya gawin misyon nila? Sa paligid kay daming simbahan Ng mga Katoliko’t naglalakihan Ngunit bakit Muslim? Sa kanya’y palaisipan. Salat sa bahay panalanginan Sa paglipas ng panahon, sakanyang paglaki Paligid tumahimik, Masjid ay dumami Nagpapalaganap na Muslim di na hinuhuli Sa akusasyong terorista hindi na kasali Nakasisindak ito ngayong mga ganap Bumabalik ba ang dating alapaap Pagsabog kabikabila na naman Muslim umano ang may kinalaman Sa kanyang paglaki naintindihan Kung ito’y kabilang sa kanilang kautusan Marahil wala nang natira sila sila na lamang Telang kasuotan niya’y kailanma’y di makapapaslang Sino nga bang may kasalanan? Nang mga kaguluhang di mabilang? Ang tanging alam niya lamang Kapayapaan, sa Islam ay katuruan


Recent Posts

See All
"Husga"

Sadyang ang bawat isa’y may likas na kahinaan, Karaniwang may lamang at may tinatapakan, Kung may kahirapan, tiyak na may kaginhawaan, ...

 
 
 
"Zina" [Pangangalunya]

Napakaikling kaligayahan, Ilang minutong kahalayan, Ilang dangal ang nasiraan, Buhat sa sariling kayamuan, Hindi kasalanan ang...

 
 
 
"Kuliglig sa Isang Gabi"

Nakikinig ang mata sa mga pangyayaring nagaganap, Laganap na karahasan at kaguluhang hinaharap, Tila lunday sa gitna ng sigwa ang...

 
 
 

Comentários


Categories

Recent post
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page