"Kalalakihan"
- By: Ummu Hurayrah
- Sep 21, 2016
- 2 min read
Kasaysayan ng mundo ating sariwain Nang si Allah, unang tao'y Kaniyang likhain Mula sa lupa si Adam ay nagawa Nanirahan sa Paraiso kasama ibang mga likha Minsa'y nalumbay, lungkot ay di maunawaan Batid ang Paraiso'y kay ganda't kay yaman Nakakamit lahat tila walang pangangailangan Pangungulilang nadarama di alam ang pinagmulan Mula sa kanyang kahilingan babae ay nalikha Sa kaalaman rin nya nagmula ngalang Hawa Pumawi sa kaniyang lumalabisbis na luha Sagot sa di maintindihang pangungulila Kahalihalina ganda nitong nilalang Upang malikha tadiyang niya'y nagkulang Ngunit gaya nito'y baluktot ng tunay Subukang ituwid sira't walang saysay Sa bulong ng masamang nilalang Adam at Hawa'y nagkasalang sabay Sa isang utos sila ay sumuway Naging dahilang sa mundo'y mamuhay Sa mundo binigyan ng natatanging kakayanan Protektaha't alagaan kanyang nasasakupan Kaya kung sa kaniya ika'y mapabilang O babae! Magpasakop ka't siya ay i-galang Ating balikan ang unang dahilan Pagkakalikha ng kababaihan Pagsamba kay Allah ito'y kabilang Pagsilbihan at pasayahin itong si Adam (kalalakihan) O babae! Ika'y huwag magmalabis Sa mga karapatan ika'y mabilis Nararapat lamang iyong mabatid Sa paghahanap buhay sya'y di mapapatid O babae! Isang kalapastanganan Nang sa boses at mga bagay sya'y iyong pagmataasan Pagmamahal nya nais mong ika'y paglaanan Pagkalooban mo siya ng kapayapaan Iniisip mo bang mas maalam ka Sa Lumikha sayo at sa mga di nakikita Upang kontrahin ang pinahintulutan Niya Ang makontrobersiyang "higit sa isa" Anong magagawa nilagay sa dibdib nya? Pusong nilikhang magmahal di lang ng isa Maniwala at tumalima ka lamang Karunungan sa likod nito'y di mabibilang Kaakibat nito ay obligasyon Sa balikat niya ay nakapatong Makabalik sa Paraiso sa kanya'y hindi madali Sa pagbibigay ng hustisya di dapat magkamali Turo ng ating mahal na Propeta Mahalin, galangin, sundin sunod kay Allah't sa kanya O babae! Pakaalamin mong susi sa Jannah Ito na ang iyong lalaking asawa
Recent Posts
See AllSadyang ang bawat isa’y may likas na kahinaan, Karaniwang may lamang at may tinatapakan, Kung may kahirapan, tiyak na may kaginhawaan, ...
Napakaikling kaligayahan, Ilang minutong kahalayan, Ilang dangal ang nasiraan, Buhat sa sariling kayamuan, Hindi kasalanan ang...
Nakikinig ang mata sa mga pangyayaring nagaganap, Laganap na karahasan at kaguluhang hinaharap, Tila lunday sa gitna ng sigwa ang...
Comments