“Kababaihan”
- By: Jalil D.
- Sep 20, 2016
- 1 min read
Kilalang bulaklak ng sanlibutan, Perlas at pilak na di lang sa mayaman, Nagbuhat sa lumbay na nararamdaman, Sa tadiyang ng lalaki ang pinagmulan, Isa sila sa nilalang na kabigha-bighani, Ngunit makababalaghan sila kung sa ugali, Subukan mong intindihin tiyak ika’y mayayari, Sa pagkatao nilang di malaman kung saan sisipi. Nakaraang kabihasnan sila’y pinagkaitan, Lahat winaksi maging ang karapatan, Pagiging babae mistulang kahihiyan, Sila’y inalisan ng dignidad at kalayaan, Nagdaang karanasa’y tiyak na matinik, Pananamantala sa kanila’y walang tumpik. Buhat ng kabihasnang walang kasing bagsik, Babae nagdusa ka’t sa hustisya ay sabik, Kung may kahirapan may kaginhawaan, Inyong Panginoo’y di kayo iniwan, Huling sugo’y ipinadala sa sanlibutan, Pagkapantay-pantay kanyang ipinaglaban, Lalaki at babae’y walang ipinagkaiba, Ang Arabo sa hindi kahigtan ay wala, Kahit ano mang lahi ang iyong dala-dala, Sa kanyang katuruan tayo ay iisa, Tiyak na ang babae’y mahirap intindihin, Mahirap paamuhin kahit pang kausapin, Ngunit kahit ganun ay dapat silang mahalin, Dahil kung hindi sayo lalaki sila’y di lilikhain.
Recent Posts
See AllSadyang ang bawat isa’y may likas na kahinaan, Karaniwang may lamang at may tinatapakan, Kung may kahirapan, tiyak na may kaginhawaan, ...
Napakaikling kaligayahan, Ilang minutong kahalayan, Ilang dangal ang nasiraan, Buhat sa sariling kayamuan, Hindi kasalanan ang...
Nakikinig ang mata sa mga pangyayaring nagaganap, Laganap na karahasan at kaguluhang hinaharap, Tila lunday sa gitna ng sigwa ang...
Commentaires