"Paglisan"
- By: Jalil D.
- Oct 1, 2015
- 1 min read
Sadyang paglipas ng panahon ay napakabilis, tila kahapon lamang ako sa amin umalis, Tungo sa isang lugar na mabiyayang labis, At ngayon paglisan sa kanya ako'y naghihinagpis, Nang una kung dating kaba'y di mapagsukatan, Hirap makisalamuha sa hiyang nararamdaman, hanggat oras ay dumating at aking natutunan, Pakikisalamuha sa inyo'y walang kasing gaan, Sa mga panahong sa inyo ako ay namalagi, ibat-ibang karanasan sa'kin ang siyang sumagi, ngunit ang pinakamainam na ibig kung manatili, ang kayo'y nakasama at kasabay kung ngumiti, Sa iksi ng panahong kayo'y aking nakasama, baon-baon sa paglisan ko'y inyong ala-ala, ala-alang kailanman sa iba'y diko nakita, At sa mga ala-alang yaon ako'y mangangalaga, Sa aking pag alis kayo ang nasa isipan, at ala-alang sabay binuo't pinagsamahan, Nangambang sa hinaharap ako'y makalimutan, Nang dahil sa panahong kayo'y aking nilisan, Tanging hiling ko lang sa aking mga kapatid, kung ako may nakasakit sakin ay ipabatid, ako'y patawarin kung sa inyo'y naging manhid, at hayaang paumanhin ko sa inyo'y maihatid, ang paglisan kung ito'y panimula para sa iba, Kung ako'y may kahalili nawa sa inyo'y magpasaya, at kung ako may nagkulang at nagkamali sa pa-alala, hari nawa'y ang kahalili ko na ang siyang magpuna, Lahat ng bagay sa mundo'y may katapusan, maging ang buhay ng tao'y may hangganan, Ngunit ang mahalaga'y ang huwag kalimutan, pagsamba sa allah at ating pinagsamahan.
Comments