top of page

Ano ang layunin ng ating Buhay?

Ang mga hindi naniniwala ay hindi makakapag-bigay ng kapani-paniwalang rason para ipalawanag ang pagkakaroon ng sandaigdigan o ng buhay ng tao. Ang mga tao na naniniwala na may Diyos na Tagapaglikha na ang mga nilikha ay sumibol dahil sa Kanyang Kagustuhan. Pero sa mundo kung saan lahat ng nilikha ay malinaw na may dahilan ng pagkakalikha, likas na sa tao ang mag-isip sa dahilan ng pagkakalikha sa kanya. Isa ang hindi maitatanggi sa pag-asam na ang Diyos na Tagapaglikha na naglalang sa atin sa mundong ito ay ipaalam sa atin kung bakit Niya tayo nilikha at ano ang ating gagawin .

Ipinaalam sa atin sa pamamagitan ng Qur'an (Huling kapahayagan ng Diyos na Tagapaglikha sa Kanyang Sugo) na ang Diyos na Tagapaglikha ay nilikha tayo na nasa pagsubok, sa kanyang sinabi sa Surah Al-Muminoon 115:


أَفَحَسِبْتُمْ أَنَّمَا خَلَقْنَاكُمْ عَبَثًا وَأَنَّكُمْ إِلَيْنَا لَا تُرْجَعُونَ
"Kaya inaakala ba ninyo na kayo ay Aming nilikha nang walang kabuluhan (walang mahalagang layunin), at kayo ay hindi ibabalik muli sa Amin?"


Ang mga hindi naniniwala au maaring sabihin na ang layunin ng buhay ay para magpayaman, magkaroon ng posisyon o magliwaliw hanggang sa gusto nila. Ngunit wala sa mga ito ang magiging kapaki-pakinabang para sa kany pagdating ng araw. Ayon sa huling kapahayagan, ang tao ay nilikha ng Diyos na Tagapaglikha na may tiyak na responsibilidad. (Ayon sa salin ng nabanggit sa Surah 18:17, 6:72 at 76:2). Hindi Niya nilikha ang buhay sa mundong ito na puro kaginhawaan o nagbibigay-kasiyahan bagkus bilang pagsubok sa limitadong panahon, na may kaparusahan at gintampala sa kabilang-buhay.

Support our Dawah by clicking the ad button below.

© 2023 by Coming Soon

Proudly created with Wix.com

bottom of page